Press "Enter" to skip to content

Balik-Trabaho Na Sila Sa Pagtatapos Ng ECQ

Pagkatapos ng Mayo 15, magtatapos na ang Enhance Community Quarantine o ECQ. Simula na rin ng mga konting pagbabago, may mga magbubukas na mga iilang establisyemento. At magbabalik na rin sa trabaho ang ilan.

Balik-Trabaho na sila

Inaasahan na ang pagtatapos ng ECQ ngayong darating na Mayo 15, 2020. Magbabalik operasyon na ang pampublikong transportasyon at ganoon din ang mga ilang establisyemento ay magbubukas na.

Balik-Trabaho Na Sila Sa Pagtatapos Ng ECQ 2
Photo Credit: Philstar.com

Makakabalik na rin ang ilan sa mga natigil ang trabaho mula noong magpatupad ng lockdown ang gobyerno ilang buwan na ang nakakaraan. Dahil nga sa pagtatapos ng ECQ, inaasahan na rin ang maraming mga tao ang balik-trabaho.

Nangangamba sa paglabas

Kahit na nga magbabalik na sila sa trabaho, marami pa rin ang nangangamba sa kanilang kaligtasan. Ano nga ba ang naghihintay sa kanila sa paglabas nila? Ligtas kaya sila pagdating sa labas? Iilan lang ang mga ito sa maraming katanungan ng karamihan ngayon.

Gayunpaman, balewala ang mga takot na nararamdaman, kasi ang katotohanan ay kailangan na rin natin na magtrabaho. Ilang buwan na rin ang nakakaraan mula ng ipatupad ang lockdown at hindi na nakapagtrabaho.

Bagong pagsubok

Hindi rin natin sila masisisi kung ito ang kanilang maramdaman. Kung tutuusin, mahirap din dahil nakakulong tayo sa sarili nating bahay o barangay ng halos dalawang buwan. Kaya siguro sa panahon ng paglabas ay maninibago tayong lahat.

Balik-Trabaho Na Sila Sa Pagtatapos Ng ECQ 3
Photo Credit: Inquirer.net

Sa pagharap natin sa bagong pagsubok na dala ng COVID19, kung saan kailangan na natin lumabas at magtrabaho para sa ating mga pamilya. Nakakatakot man pero kailangan natin harapin ang totoong buhay, hindi naman kasi sa habang panahon ay aasa lang tayo sa ibibigay na ayuda ng gobyerno.

Source: Inquirer.net

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: