Press "Enter" to skip to content

Balitang Cash At Food Assistance Para Sa Mga OFW Sa Riyadh, Nilinaw Ng POLO-OWWA

Last updated on April 2, 2020

Sa isang panayam kay Assistant Labor Attache, Henry Taniero, Lunes, Marso 30, nilinaw niya na ang kumakalat na impormasyion na nakakarating sa mga OFW sa Riyadh, Saudi Arabia ukol sa cash at food assistance na kanilang ipinamimigay ay fake news.

Fake news

Ayon kay Taniero, walang katotohanan ang balitang kumakalat sa social media na nag-bibigay sila ng $200 cash assistance at food assistance para sa mga OFW sa Riyadh na apektado ngayon ng “No work, No Pay Policy” dahil sa COVID-19.

Balitang Cash At Food Assistance Para Sa Mga OFW Sa Riyadh, Nilinaw Ng POLO-OWWA 2
Credits to Riyadh ofwaah – Teleradio

Sa isang live video na ipinost sa Riyadh- Ofwaah Teleradio Facebook Page, sinabi ni Taniero na hindi sila nag-lalabas ng anunsyo na sila ay magbibigay ng mga nasabing tulong sa mga OFW. Kung kaya’t laking gulat nila umano na biglaang nagpunta ang mga ito sa kanilang opisina.

Binigyang linaw din niya na hindi sila ang tumawag sa mga Saudi Police upang hulihin ang mga OFW, kundi ang mga residente sa lugar. Nireport umano ang kaguluhan ng mga residente na nakatira malapit sa kanilang opisina kung kaya’t dumating ang mga pulis.

$200 Cash assistance

Ipinaliwanag ni Taniero na mayroon naman daw talagang $200 na cash assistance para sa mga OFW hindi lamang sa Riyadh kundi sa buong mundo. Ngunit, wala pa silang natatanggap na opisyal na memo mula sa DOLE.

Balitang Cash At Food Assistance Para Sa Mga OFW Sa Riyadh, Nilinaw Ng POLO-OWWA 3

Dagadag pa nya, pinaguusapan pa ang mga guidelines sa pagbibigay nito. Katulad ng kung sino-sino ba ang dapat maka-tanggap, at ano ang mga requirements o dokumento ang kailangan para makakuha nito. Ito ay para na rin maiwasan ang korapsyon.

Food assistance

Paglilinaw pa niya, dati ng mayroon food assistance. Bago pa man lumabas ang COVID-19 ay ibinibigay na ito sa mga Distressed OFW katulad ng mga nawalan ng trabaho at mayroong kaso. Sinabi pa nito na ang food allowances sa ganitong panahon ay responsibilidad ng mga employer.

Patungkol naman sa mga nabigyan ng food assistance, ito ay extra effort lang umano ni Labor Attache Nasser Mustafa para sa mga OFW. Sa kasamaang palad natigil ito ng sila ay pagbawalan raw ng Saudi Government dahil ipinagbabawal ito lalo na sa panahon ngaun na mayroon COVID-19 at hindi dapat umano lumalabas ang mga tao.

Pang-unawa

Humingi naman ng pang-unawa ang OWWA sa sitwasyin nila ngayon. Limitado umano ang kanilang mga galaw kung kaya’t kahit nais nilang tumulong ay hindi nila ito basta magawa dahil kailangan din nilang sundin ang batas sa Saudi, Arabia.

Balitang Cash At Food Assistance Para Sa Mga OFW Sa Riyadh, Nilinaw Ng POLO-OWWA 4

”Bigyan muna natin ng respeto ang batas na dapat sundin natin dito sa Saudi. At ito ay para saating kaligtasan. Lahat dito sa Saudi, dahil ngayong may Pandemic dapat doon lang po tayo sa ating accomodation”

Ginagawa rin naman raw nila ang lahat upang masiguro na matugunan ang mga pangangailangan ng mga OFW.

Huwag basta maniwala

Panawagan naman ni Taniero sa lahat, lalong lao na sa mga OFW na nasa Riyadh, huwag basta maniniwala sa mga nakikita o nababasa sa social media. Maari lamang na makipag-ugnayan nalang mismo sakanila kung may mga katanungan. Kasalukuyan naman umanong ini-imbestigahan kung sino ang nagpakalat ng fake news.

Panuorin ang panayam kay Taniero dito:

Live with Assistant Labor Attache Sir Henry Taniero POLO-OWWA Riyadh

Posted by Riyadh- Ofwaah Teleradio on Monday, March 30, 2020

Source: Riyadh – ofwaah Teleradio

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: