Press "Enter" to skip to content

Balut Vendor, Pinakyaw Ang Paninda Ng Isang Balut Vendor Sa Cavite

Isang dating balut vendor ang nagpamalas ng kagandahan ng kalooban sa isang balut vendor sa Silang, Cavite matapos pakyawin ang kanyang panindang balut at chicharon at bigyan ito ng tulong pinansyal.

Ang magandang kalooban

Sa panahon ngayon na kung saan ang bansa natin ay may kinahaharap na problema dulot ng COVID-19 hindi pa rin nalilimutan ng mga Pilipino ang magpakita ng pagiging mapagbigay at pakikipagkapwa – tao.

Balut Vendor, Pinakyaw Ang Paninda Ng Isang Balut Vendor Sa Cavite 2
Photo Credit: GMA News

Ayon sa report ni Ivan Mayrina mula sa 24 Oras noong ika- 24 ng Hunyo, isang nakakaantig na pangyayari ang naganap sa isang balut vendor at sa kanyang mamimili.

Ang babae na tumulong sa balut vendor ay nagngangalang Nancy at kanyang nabanggit na siya mismo ay nagtinda rin ng balut noong bata pa siya, at dahil dito ang balut vendor na si Marivic ay kanyang tinulungan at binigyan ng pera upang ipaayos ang kanyang bahay.

Pagsubok dulot ng pandemya

Ang pandemya na ito ay nagpahirap sa buhay ng karamihan sa mga Pilipino sapagkat nagdulot ito ng pagkatanggal ng maraming manggagawa sa kanilang trabaho, paghina ng iilan na mga negosyo, at ang iba ay nawalan ng pagkakakitaan tulad ng driver ng mga pampasaherong sasakyan, street vendors, nagpapatakbo ng catering services, at iilan pang iba. Kaya nakakaantig sa damdamin kapag may mga napapabalitang mga tao o grupo na tumutulong sa iba lalung-lalo sa mga nangangailangan.

Ito ang naramdaman ng isang balut vendor na si Marivic at hindi niya napigilan at naging emosyonal sa ipinakitang pagmamalasakit at pagtulong ni Nancy sa kanya.

“Sa tagal po ng buhay ko, ngayon lang po ako nakaranas ng ganoon,” ani ni Marivic

Ayon rin kay Nancy na dating balut vendor, siya ay naantig matapos malaman na si Marivic ang breadwinner ng kanyang pamilya at ang kanilang bahay ay malapit lamang sa ilog at ito ay binabaha kapag malakas ang ulan.

Balut Vendor, Pinakyaw Ang Paninda Ng Isang Balut Vendor Sa Cavite 3
Photo Credit: GMA News

Dagdag pa ni Marivic,” Sa dami naman po ng anak ko,apat maliit pa. ‘Yong asawa ko, hindi makapagtrabaho at lumpo.

Bukod sa pagbili ng balut at chicharon ni Marivic, nagbigay rin si Nancy ng tulong pinansyal upang maayos ang kanilang tinitirahan at upang maibili ng gamot ang kanyang asawa.

Reaksyon ng mga netizens

Mula sa kagandahang loob na ipinamalas ni Nancy, umani ito ng papuri sa social media. Sa Facebook page ng GMA News na kung saan nakapaloob ang video at report, nagtamo ito ng higit sa isang daang views at higit na sampung libong mga reaksyon tulad ng likes, hearts at iba pang mga reaksyon sa Facebook. Halos lahat ng comments sa post na iyon ay nagpaabot ng pagpapala kay Nancy at mga nagsasabing tularan ang kanyang mabuting ginawa.

Narito ang video ng ipinakitang pagtulong sa balut vendor:

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: