Press "Enter" to skip to content

Bamboo Face Shields, Likhang-Kamay ng mga Magsasaka ng Cotabato

Isa na namang patunay sa pagiging malikhain ng mga Pilipino ang eco-friendly face shield na gawa sa kawayan ng mga magsasaka mula sa Cotabato, Mindanao.

Pinagmamalaki

Sa kaniyang Facebook page, buong pagmamalaking ibinahagi ni Mindanao Development Authority chairperson Manny Pinol ang mga larawan ng mga bamboo face shields at mga magsasaka na matiyagang gumagawa sa mga ito.

Bamboo Face Shields, Likhang-Kamay ng mga Magsasaka ng Cotabato 2
Source: MannyPiñol

Ayon kay Pinol, ang mga likhang-kamay na ito ng mga miyembro ng Central Mindanao Green Workers Association ay idinisenyo ni Agricultural Engineer Junroe Barrios mula sa M’lang, Cotabato

Kailangan ng suporta

Dagdag pa ni Pinol, ang grupo ay nagsisimula na ng enterprise habang ang mga magsasaka ay gumagawa sa kani-kanillang mga tahanan. Nangangailangan sila ng lahat ng suportang kanilang makukuha upang makapagpatayo ng isang pormal at maayos na manufacturing area, kompletong working table, stripping at sanitary equipment.

Bamboo Face Shields, Likhang-Kamay ng mga Magsasaka ng Cotabato 3
Source: Filipino Times

Ang mga bamboo face shields ay nagkakahalaga lamang ng 150 pesos kada piraso. Sa mga interesadong mamimili,maaring makipag-ugnayan kay Mr. Nonoy Jayme (+63965 8873930 o +63951 4131970) o maaring umorder sa pamamagitan ng kanilang Facebook page at website.

Magandang balita

Ang naturang produkto ay isang magandang balita lalo at naglabas ang Department of Transportation (DOTr) ng Memorandum Circular noong nakaraang linggo na nag-oobliga sa pagsusuot ng face shield bukod pa sa pagsusuot ng face mask sa kahit anong public transportation service simula ngayong darating na Agosto 15, 2020. Kasagutan din ito sa tumataas na demand sa face shield kasabay ng pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases sa bansa.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: