Press "Enter" to skip to content

Bansang Lebanon Niyanig Ng Malakas Na Pagsabog

Beirut, Lebanon – Tinatayang nasa 73 katao ang nasawi at halos 3,700 ang taong nasugatan. Sinasabing nagsimula ang pagsabog sa isang daungan sa siyudad.

Di pa matukoy ng dahilan

Sinasabi na ang sanhi ng malakas ng pagsabog ay ang mga naka-imbak na ammonium nitrate sa isang warehouse sa daungan. Sinasabi na ang mga explosive materials ay nakumpiska ng gobyerno ng Lebanon’s general security service.

Bansang Lebanon Niyanig Ng Malakas Na Pagsabog 2
Photo Credit: Aljazeera News

Naiulat na ang warehouse na nasunog naglalaman lamang ng mga fireworks na makikita sa mga ilang videos online. Duda ang karamihan na mga paputok lamang ang laman ng warehouse sa lakas ng pagsabog na ikinumpara sa isang 3.3 magnitude earthquake.

Bansang Lebanon Niyanig Ng Malakas Na Pagsabog 3
Photo Credit: Aljazeera News

Walang bakanteng pagamutan

Sa dami ng mga nasugatan sanhi ng trahedya ay mabilis napuno ang mga ospital sa lugar. Karamihan sa kanila ay tinatanggihan ng ma-admit at pinayuhang maghananp sa ibang lugar.

Bansang Lebanon Niyanig Ng Malakas Na Pagsabog 4
Photo Credit: Aljazeera News

Ilang bahay pagamutan din ang winasak ng pagsabog at bibihira lamang ang nagagamit hanggang sa ngayon. Lahat ng medical at emergency response ngayon ng bansang Lebanon ay ipinadala sa Beirut upang tumulong sa kagimbal gimbal na trahedyang ito.

Bansang Lebanon Niyanig Ng Malakas Na Pagsabog 5
Photo Credit: Aljazeera News

Pagkakaisa

Isinantabi muna ng bansang Lebanon at Israel ang kanilang alitan at nagkaisang magtulungan sa para trahedyang ito. Ang Hezbollah movement ay nagudyok din na magkaisa muna ang lahat ng political powers ng bansa.

Bansang Lebanon Niyanig Ng Malakas Na Pagsabog 6
Photo Credit: Aljazeera News

Ilang mga bansa ang nag-paabot din ng kanilang tulong at nagpadala ng tulong-medikal sa Beirut. Nagpadala ang bansang France, UK, Turkey, Saudi Arabia, Israel, Iran at Qatar ng kani kanilang medical team upang tumulong sa mga nasugatan.

Bansang Lebanon Niyanig Ng Malakas Na Pagsabog 7
Photo Credit: Aljazeera News

Masusing pagiimbestiga

Nagtalaga ang bansang Lebanon ng isang team upang magsiyasat kung ano ang talagang naging sanhi ng pagsabog. Malaking plaisipan din na kung bakit nasa port ang mga pampasabog gayong ito ay nakumpiska at dapat naimbak sa isang secure na lugar.

Bansang Lebanon Niyanig Ng Malakas Na Pagsabog 8
Photo Credit: Aljazeera News

Sa lakas ng mga pagsabog ay sumira ng mga karatig na gusali at mga bahay. Nagkalat din ang mga bubog galing sa mga salaming bintana malapit sa pinagyarihan sanhi ng napakalakas na shockwave na nagdulot ng pagkasugat ng mga ibang tao sa lugar.

Panoorin ang video ng ikalawang pagsabog:

Video Credit: Youtube – Guardian News

SOURCE: Aljazeera News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: