Press "Enter" to skip to content

Banta ng Pangulong Duterte Sa Mga Corrupt PhilHealth Officials: “Yayariin ko kayo”

Kagabi sa nation address ng Pangulong Duterte ukol sa lumalalang pandemya, nagpaabot ang pangulo ng banta laban sa mga diumano ay corrupt officials ng Philhealth. Ito ay bunsod ng pahayag ng whistleblower sa PhilHealth ukol sa nakorap na 15 bilyong pondo ng ahensya.

Yayariin

Banta ng pangulong Duterte sa mga mapapatunayang naging kurakot sa ahensya ng PhilHealth,

Banta ng Pangulong Duterte Sa Mga Corrupt PhilHealth Officials: “Yayariin ko kayo” 2

“Yayariin ko kayo.”

Aniya pa ng pangulo, kung ang mga PhilHealth officials na ito ay nakatakas sa mga nakaraang administrasyon, sa kanyang pamununo ay hindi makakalampas ang mga ito.

“Kung nakalusot kayo sa ibang president, sa akin sadsad kayo,”

Isinusulong na ngayon ng Pangulo ang imbestigasyon sa mga diumano ay korap na PhilHealth officials sa Commission on Audit upang matukoy ang mga iregularidad at kung magkano ang mga nasabat nito sa ahensya.

Whistleblower

Matatandaang nagviral ang whistleblower na si Thorrsson Montes Keith, dating anti-fraud legal officer sa PhilHealth. Ang akusasyong korapsyon ni Keith ay patungkol sa mga matataas na opisyal ng ahensya na syang nakinabang sa P15-bilyong pera ng ahensya gamit ang ibat ibang fraud schemes.

Banta ng Pangulong Duterte Sa Mga Corrupt PhilHealth Officials: “Yayariin ko kayo” 3

Itinuturo ng PhilHealth board member na si Alejandro Cabading si Philhealth President and CEO Ricardo Morales na sangkot sa “bloated” allocations ng IT department ng ahensya. Kahit pa man na hindi ito aprubado ng Department of Information and Communications Technology.

Fraud scheme

Ayon pa sa pahayag ng whistleblower, ang mga overpriced na software ang naging daan para sa pangungurakot ng ilang opisyal tulad ng Adobe Master Collection na nagkakahalaga ng P21M. Liban pa diyan ay ang P42M na identity management software, office productivity software sa halagang P21M at ilang mga application licenses, server, at support maintenance na nagkakahalaga ng P25M.

Task force

Kamakailan lamang ay bumuo si Pangulong Duterte ng task force na syang magiimbestiga sa mga iregularidad at anomalya na nagaganap sa loob ng ahensya. Kaya naman sa nation address nito kagabi, sinabi nitong hindi nito palalampasin ang mga mapapatunayang nagkasala sa bayan.

Source: CNN Philippines

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: