Press "Enter" to skip to content

Bantang Martial Law Ni Pangulong Duterte Kinontra Ni Senator Kiko Pangilinan

Manila – Kinontra ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan ang banta ng pangulo na Martial Law kung hindi titigil sa panggugulo ang mga NPA sa gitna ng COVID-19 crisis. Aniya, ang pandemic ang mahigpit na kalaban ng bansa ngayon at hindi ang terorismo.

New People’s Army

Kamakailan lang ay nagka engkwentro na naman ang mga rebeldeng pinaniniwalaang mga New People’s Army (NPA) at ang mga sundalo. Ito ay dahil tinambangan ng mga rebelde ang mga medical supplies na at mga ayudang dadalhin sana sa mga pamilyang apektado ng krisis.

Bantang Martial Law Ni Pangulong Duterte Kinontra Ni Senator Kiko Pangilinan 2

Dahil dito, nagbanta ang Pangulong Rodrigo Duterte na magpapatupad siya ng Martial Law kung hindi titigil sa panggugulo ang mga NPA. Nakadaragdag pa umano sa problemang kinakaharap ng bansa ang pag atake ng mga ito.

Komontra si Kiko

Sa isang text message, sinabi ni Senator Pangilinan na hindi ito ang dapat tutukan ng pangulo. Ang COVID-19 umano ang dapat atupagin ng pangulo dahil ito ang mahigpit na kalaban ng bansa sa ngayon at hindi ang insurgency.

“COVID ang pinakamatinding problem ng bansa ngayon, hindi insurgency. Sa panahon ng COVID, unahin nilang hanapan ng solusyon ‘yung milyon-milyon na ginugutom na kababayan natin sa mga komunidad at lansangan ng Maynila at iba pang lockdown areas, at hindi ang mga rebeldeng nasa tutok ng malalayong bundok,”

Bantang Martial Law Ni Pangulong Duterte Kinontra Ni Senator Kiko Pangilinan 3

Dagdag pa niya, huwag ipilit ang kamay na bakal dahil hindi ito ang solusyon sa nakamamatay na virus.

“Tigilan na nila ang pagtulak ng kamay na bakal dahil hindi kayang gipitin o sugpuin ng kamay na bakal ang mikrobyo o nakamamatay na virus,”

Hating opinyon

Hati naman ang ibang opinyon ng ibang mga senador sa issue na ito. Ayon kay Senator Joel Villanueva, hindi makakatulong ang martial law. Bagkus dapat umanong tutukan na lang ng health care system ng bansa.

“Yung martial law will not help in these priority areas.”

Bantang Martial Law Ni Pangulong Duterte Kinontra Ni Senator Kiko Pangilinan 4

Ayon naman kay Senator Tito Sotto, obligado ang pangulo na ideklara ang martial law kung magpapatuloy ang pag atake ng mga rebelde.

“If NPA attacks persist and therefore rebellion continues in the midst of the pandemic, the President is obligated to declare martial law,”

Nagkasundo naman sina Senator Panfilo Lacson at Senator Aquilino “Koko” Pimentel III na dapat sa specific na lugar lamang.

“I will support the President’s decision to declare martial law at least in areas where the NPAs operate with impunity and without regard to the ongoing public health crisis that we are going through,” ani Lacson

Bantang Martial Law Ni Pangulong Duterte Kinontra Ni Senator Kiko Pangilinan 5

Dagdag pa niya, “In fact, I will encourage a no-nonsense military offensive against them… if the so-called ‘enemies of the state’ will continue to harass military and police non-combatants, especially those performing the humanitarian task of assisting in the distribution of social amelioration funds.”

“That (martial law declaration) is part of Presidential powers… It can be location specific,” 

Ceasefire

Matatandaan na nagkasundo ang gobyerno at mga komunistang rebelde sa isang ceasefire dahil sa COVID-19 outbreak. Ang inisyal na kasunduan na magtatapos sana noong Abril 15 ay na extend hanggang Abril 30 kasabay sana ng pagtatapos ng lockdown. 

Source: ABS-CBN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: