Press "Enter" to skip to content

Barangay 20 Sa Maynila, Ipina-Total Shutdown Ni Mayor Isko

Ipinag-utos ni Mayor Isko ang pagshut down sa Barangay 20, Lungsod ng Maynila dahil sa paglabag diumano ng mga residente nito sa enhanced community quarantine na kasalukuyang ipinapatupad sa bansa.

Total lockdown

Sasailalim sa 24-hour total shutdown ang Brgy 20 nang mapag-alaman na marami ang residente rito ay hindi sumusunod sa social distancing protocol alinsunod sa ipinapatupad na ECQ. Ayon sa Facebook page ng Manila Public Information Office, marami sa residente ng barangay ay naglalaro ng bingo at boxing. At dahil rito, iniutos ni Mayor Isko ang disease surveillance, rapid risk assessment, at testing operations sa partikular na barangay.

Barangay 20 Sa Maynila, Ipina-Total Shutdown Ni Mayor Isko 2

Executive order No. 19

Lunes ng gabi, April 13 ay pinirmahan ni Mayor Isko ang Executive Order No. 19 na kung saan ay nagsasaad na isailalim ang Barangay 20 sa total shutdown. Magsisimula ang total shutdown mula alas-8 ng gabi ng Apr 14 hanggang kinabukasan ng alas-8 ng gabi ng Apr 15.

Ayon sa EO No. 19,

“A video was posted on Facebook showing a group of more or less one hundred people, including children, participating and spectating in what appears to be an informally organized boxing match by the side of the street.”

Dagdag pa nito,

“The video shows blatant violations of the enhanced community quarantine guidelines and social distancing protocols thereby creating immense risk of exposure and contraction of COVID-19 to those involved in the event,”

Suspendido

Exempted naman sa EO No. 19 ang mga healthcare workers, miyembro ng militar, kapulisan, coast guard, at iba pang myembro ng government offices. Dagdag pa ni Mayor Isko,

“all commercial, industrial, retail, institutional and other activities in the said barangay shall be suspended within the specified period of the shutdown.”

Iniutos na ni Yorme ang pagdeploy ng mga pulis mula sa Manila Police District Station 2 sa mga strategic locations at iba pang area sa nasabing barangay para mapatupad ang shutdown.

Source: Facebook Manila Public Information Office

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: