Press "Enter" to skip to content

Barangay Chairman Patay Matapos Pagbabarilin Ng ‘Di Kilalang Gunmen Sa Quiapo

Patay ang isang barangay chairman sa Barangay 384 sa Quiapo, Maynila nitong gabi ng Miyerkules matapos barilin ng hindi kilalang mga armadong lalaki.

Ang biktima

Kinilala ng pulisya ang baranggay chairman na si Abubacar Sharief, 33 taong gulang.

Barangay Chairman Patay Matapos Pagbabarilin Ng 'Di Kilalang Gunmen Sa Quiapo 2
Photo Credit: Panay News

Ayon sa imbestigasyon na isinagawa ng awtoridad, si Shareif at iba ang pang mga opisyales ng barangay ay nakaupo sa isang outpost bandang alas-11 ng gabi.

Maya-maya pa ay dumating ang ilang hindi kilalang armadong kalalakihan at hiniling silang dumapa sa lupa.

Ang krimen

Ang mga gunmen, na sinabi ng pulisya ay may dalang mahahabang baril.

Binaril nila ang chairman ng barangay ng maraming beses sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Barangay Chairman Patay Matapos Pagbabarilin Ng 'Di Kilalang Gunmen Sa Quiapo 3
Photo Credit: Gulf News Daily

Matapos tumakas ang mga suspek, isinugod ng mga kamag-anak ni Sharief at ilan pang nakasaksi sa University of Santo Tomas Hospital, ngunit huli na ang lahat dahil dead on arrival ang nangyari sa kanya.

Iba pang biktima

Napaulat din ang isang residente na si Malik Abdulah, 38 taong gulang, na natamaan din ng bala sa kanang paa.

Dinala siya sa ospital ng San Juan de Dios para maipagamot kaagad at siya ngayon ay nasa maayos ng kondisyon.

Sabi ng pulisya, 36 fired cartridge casings tulad ng mga ginamit na M16 rifles ang nakita sa pinangyarihan ng krimen.  Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga pulisya.

Source: Manila Bulletin

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: