Press "Enter" to skip to content

Barangay Chairman Sa Samar, Hinampas Ng Baril Ang Isang Babae Dahil Sa SAC

Kumakalat ngayon sa social media ang video na post ni Hazel Joy Carian Ramos. Kuha sa video ang panghahampas sa kanya ng kanilang Barangay Chariman na si Lito J. Orio ng Barangay Binay, Palagpag, Northern Samar.

Kuha sa video

Una, makikitang tumatakbong papalapit si chaiman sa kumukuha ng video, bumunot ng baril at hinawi ang kamera. Maririnig ang isang malakas na hampas, pagkatapos ay makikita ang chairman na lumalakad papalayo. Ang susunod na makikita ay si Hazel Joy na duguan ang labi. Hinampas na pala siya ng baril ni barangay chairman Orio.

Barangay Chairman Sa Samar, Hinampas Ng Baril Ang Isang Babae Dahil Sa SAC 1
Photo credits: Facebook

Maririnig ang malakas na iyakan ng mga bata habang nagyayari ito. Nagkasagutan pa ang kapitan at ang asawa ni Hazel Joy. Maya-maya ay may lumabas na lalaking naka itim at naghamon naman ito ng suntukan.

Kuha sa larawan na nai-post Hazel Joy ang linya ng dugo sa kanyang labi. May pasa din sa labi ang kanyang mister.

Bakit kaya

Marami ang nagtaka kung ano ang dahilan kung bakit galit na galit si Orio kay Hazel Joy. Ganun pa man, hindi magandang makita ang pananakit ng chairman sa kanyang nasasakupan.

Barangay Chairman Sa Samar, Hinampas Ng Baril Ang Isang Babae Dahil Sa SAC 2

Isa sa mga taga-roon ang nag comment kung ano ang dahilan kung bakit nagalit si kapitan kay Hazel Joy. Ayon sa nag comment, na ayaw daw makinig ni Hazel Joy sa nagpapa pirma na taga DSWD at pinabugbog nito sa kanyang asawa si kapitan. Sinabihan pa nyang bobo ang mga taga DSWD. Dahil dito napahiya ang barangay chairman na syang kinagalit nito.

Sa mga panahong lahat ay nangangailangan, mainam sana na makinig na lang sa kinauukulan para hindi na umabot sa ganito. Unawain sana na ang bansa natin ay hindi mayaman pero sinusubukan pa rin ng gobyerno na matugunan ang pangangailan sa pagkain. Sana ay mag-unawaan na lang tayong mga mamamayan.

Source: YouTube

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: