Press "Enter" to skip to content

Barangay Worker Na Namimigay Ng SAP Form Kapalit Ng Pera, Nanigaw Ng Mga Residente

Trending ngayon sa social media ang paninigaw ng isang barangay worker na inatasan upang mamigay ng SAP form. Ayon sa mga residente, nagpapabayad pa ito upang mabigyan ng form ang mga nais makatanggap ng ayuda mula sa Social Amelioration Program.

Paninigaw ng barangay worker

Nagagalit ang nasabing barangay worker na nakilala lamang sa pangalang “Gina”, dahil hindi agad naibigay sa kanya ang pinirmahan ng mga residente na SAP form. Nakarating din umano sa kanya na imbes na sa kanya ibalik ang nasabing form ay sa iba ito ipinasa ng mga residente. Tinawag niyang “dem0ny0” ang sinasabi niyang pinagpasahang iba ng mga ito.

Barangay Worker Na Namimigay Ng SAP Form Kapalit Ng Pera, Nanigaw Ng Mga Residente 2

Minamadali niya na makuha ang SAP form mula sa mga residente dahil gabi pa umano ng ibigay niya ang mga papel para ma fill up-an subalit hanggang ngayon ay hindi pa ito tapos. Ayon naman sa kaaway niya sa video, hindi malinaw sa kanila ang ilalagay na impormasyon sa form kung kaya hindi nila ito agad natapos.

Pangingikil

Nang mapansin na vinevideohan siya ng isa sa mga residente, ay galit niya itong sinita. Katwiran ng nag vivideo, mali kasi ang ginagawang paninigaw ng barangay worker. Isa siyang lingkod bayan kung kaya dapat ay mahinahon itong makipag usap sa mga tao at hindi ito basta basta naninigaw.

Barangay Worker Na Namimigay Ng SAP Form Kapalit Ng Pera, Nanigaw Ng Mga Residente 3

Maririnig sa video na inaakusahan ng isang residente ang nasabing barangay worker ng pangingikil. Ayon dito, hinihingan siya ng pera ni “Gina” kapalit ng pagbibigay ng SAP form. Nang madinig ang pag aakusa ay dinuro nito ang nagsasalita sabay hiklas ng mga form.

Galit ng mga residente

Itinanggi ito ng barangay worker at agad na itong tumalikod upang takasan ang akusasyon laban sa kanya. Subalit dahil sa galit ay sinundan ito ng mga residente upang ipagdiinan na nanghihingi ito ng pera sa kanila.

Ayon sa mga ito, may mga ebidensya sila na magpapatunay na nangingikil si Gina sa mga residente roon. Nais nila itong matanggal sa kanyang katungkulan dahil sa pag aabuso nito sa kanyang posisyon bilang barangay worker.

BRGY. WORKERS NA TAGABIGAY NG SAP FORM NANINIGAW

ISANG BRGY. WORKERS NA TAGABIGAY NG SAP FORM ANG NANINIGAW . ITO DAW AY NANGHIHINGI NG PERA SA MGA BINIBIGYAN NYA NG FORM.credit to the owner.

Posted by Duterte Domagoso Tulfo Supporters on Friday, June 5, 2020

Source: Duterte Dumagoso Tulfo Supporters

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: