Press "Enter" to skip to content

Basag Na Screen Ng Tablet Na Idiniliver Ng J&T Express, Inireklamo Ng Buyer!

Isang buyer ang nagreklamo dahil sa basag na screen na tablet na kaniyang natanggap mula sa courier na J&T Express. Ang delivery courier na ito ay nag viral sa social media kamakailan, dahil sa paghahagis ng mga tauhan nito ng mga parcel na kanilang i-dedeliver.

Ang reklamo

June 25- Matapos mapanood ang nag-viral na video ay sinabi ni Mirasol Oquendo sa isang ulat na hindi na ito na sorpresa sa kinalabasan sa kaniyang inorder na tablet, dahil sa ginagawa ng mga tauhan ng nasabing kumpanya.

Ang Reklamo- Courier
Photo Credit: Youtube

Aniya,

“Naka-bubble wrap naman po ’yan, hindi naman mababasag ’yan kung hindi nila hinagis-hagis. Napabayaan po nila ’yun,”

Ang pahayag ng J&T

Ayon naman sa pahayag ng nasabing kumpanya ay sinabi na aakuin diumano nila ang responsibilidad at nangangakong sasagutin ang danyos.

Aniya,

“We would like to reiterate that we do not tolerate such acts and behavior, and we humbly take responsibility for this incident,”

Ang Pahayag- Courier
Photo Credit: Youtube

Dagdag pa ng kumpanya, na-identify na diumano ng mga ito kung sino ang mga tauhan na sangkot sa naturang video at sinabing may kaso ng ihahain para sa mga ito.

Isolated case

Samantala, sinabi pa ng J&tT na ang nasabing video ay iisa lamang na kaso at sinuguro na lahat diumano ng kanilang mga warehouse ay naka-monitor 24/7 ng kanilang mga tauhan. Sumusunod din naman ang mga ito sa strict protocols sa pag handle ng mga kargamento at tiniyak na ito ay nasa maayos na pangangalaga.

Isolated Case- Courier
Photo Credit: Youtube

“All of our facilities including our branches and warehouses across the country are under 24/7 strict monitoring. We also follow strict protocols in handling the shipments and ensure that these are handled with proper care,”

Payo ng DTI

Ayon sa Department Of Trade Industry para sa may mga katulad nitong complain, ay maaring magreklamo ang mga buyer sa kanilang seller habang ang seller naman ang dapat magreklamo sa kanilang mga courier kung mayroong pananagutan dito.

Para sa iba pang mga balita at impormasyon bisitahin ang PinasBalita.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: