Browse By

Basta Bakunado, Maari Ng Makapasok Sa Bansa At Hindi Na Kailangan Magpaquarantine

Noong Miyerkules, na-waive ang mandatory quarantine ng pandemic task force ng gobyerno para sa mga fully vaccinated na taga ibang bansa na papasok sa bansa, basta sila ay galing sa tinatawag na “green countries o territories”.

Ayon sa Malacañang, sImula Oktubre 14, Huwebes, ang mga dayuhan na fully vaccinated ay maaaring magpakita ng isang negatibong RT-PCR test na kinuha sa loob ng 72-oras bago ang pag-alis mula sa kanilang bansang pinagmulan.

Basta kumpleto ang dokumento, pasok

“Upon arrival, no facility-based quarantine will be required, but the passenger is enjoined to self-monitor for any symptoms until the 14th day”

– Presidential spokesman Harry Roque, October 13, 2021

Para sa mga nakumpleto ang kanilang pagbabakuna sa COVID-19 na mga Pilipino, maaaring piliin nilang kumuha ng RT-PCR test sa isang quarantine facility pagdating nila sa bansa at manatili roon hanggang mailabas ang negatibong resulta.

Photo Credit: Harry Roque’s Facebook

Dokumentong kinaakailangan upang ma-waive ang kanilang quarantine

  • VaxCertPH digital certificate
  • Bureau of Quarantine (BOQ) / World Health Organization (WHO) – issued International Certificate of Vaccination or Prophylaxis (ICV)
  • National digital certificate ng pamahalaan ng dayuhan kung saan sila nabakunahan
  • WHO–issued ICV
  • Ang national digital certificate ng pamahalaan ng ibang bansa na tumanggap sa VaxCertPH sa ilalim ng isang reciprocal agreement.
Photo Credits: Rappler

Konting Paalala at Pag-iingat

Sa kabila ng pinagaan na mga pakataran na malapit nang ma-implement, pinapaalala ng gobyerno sa mga papasok sa bansa na fully vaccinated at galing sa ibang bansa na subaybayan ang sarili para sa anumang mga sintomas hanggang sa ika-14 na araw.

Sa ilalim ng kasalukuyang patakaran ng pandemik task force ng bansa,, ang mga fully vaccinated na taong galing sa mga bansa o territoryo na mababa ang risk ay kinakailangang kumpletuhin ang 10 araw na quarantine pagdating nila sa bansa.

Photo Credits: CNN Philippines

Ang mga minor de edad na kasama ng fully vaccinated na mga magulang o tagapag-alaga ay kinakailangang umobserba sa mga quarantine protocols na naaayon sa kanilang mga katayuan.

Sources: ANC 24/7 YouTube Channel, Philstar, CNN Philippines

Leave a Reply

Your email address will not be published.