Press "Enter" to skip to content

Batang-Bata Pa Lang, Nagbabanat Na Ng Buto Para Buhayin Ang Pamilya

Pinag-uusapan ngayon ang isang batang nagsisikap para mabuhay niya ang kanyang mga magulang. Imbis na ang magulang ang bumuhay sa kanyang mga anak, iba ang naging sitwasyon ng batang si Manny dahil siya ang naging breadwinner ng kanilang pamilya.

Masipag na bata

Naging breadwinner si Manny, bata pa lang ay siya na ang naghahanap-buhay para buhayin ang kanyang pamilya. Kapwa hindi makapag-hanapbuhay ang kanyang mga magulang dahil sa may sakit ang mga ito.

Batang-Bata Pa Lang, Nagbabanat Na Ng Buto Para Buhayin Ang Pamilya 2
Photo Credit: GMA Public Affairs

Ang kanyang ama ay baldado na, samantalang ang kanyang ina naman ay may sakit na Tuberculosis. Kaya walang pagpipilian si Manny kundi matutong magtrabaho para matulungan ang kanyang mga magulang at may makain sila sa araw-araw.

Sa murang edad ng bata ay may nakaatang ng responsibilidad sa kanya. Hindi na niya alintana ang hirap ng buhay, na mas nadagdagan pa ang pasanin niya ng magkaroon ng pandemiya dito sa Pilipinas.

Naglalako ng kung ano-ano

Umaga pa lang ay laman na ng kalsada si Manny, naglalako siya ng mga gamit sa bahay tulad ng mga walis, sponge, pitsel, tabo, at kung ano-ano pa. Buong maghapon nilalako ng bata ang kanyang mga paninda.

Batang-Bata Pa Lang, Nagbabanat Na Ng Buto Para Buhayin Ang Pamilya 3
Photo Credit: GMA Public Affairs

Pagdating naman ng gabi hanggang madaling araw ay nagtitinda naman siya ng balut. Ito lang ang naisip niyang paraan upang may pambili sila ng pagkain ng kanyang pamilya. Lalo at gusto niya rin na mapatingnan sa doktor at maipagamot ang mga ito.

Mabuting anak

Marami ang pumuri kay Manny dahil sa batang edad ay marunong na siya maghanap-buhay. Kahit nga makikita sa mukha niya ang hirap ng pinagdadaanan pero hindi niya ito iniisip, dahil ang tanging nais lang niya ay mabuhay niya ang kanyang mga magulang.

Batang-Bata Pa Lang, Nagbabanat Na Ng Buto Para Buhayin Ang Pamilya 4
Photo Credit: GMA Public Affairs

Sabi nga ng batang si Manny,

“Makita ko lang na masaya ang mga magulang ko, masaya na rin ako.”

Nakakadurog ng puso kung tutuusin kasi ang mga ganyang edad na katulad niya ay nasa paaralan at nag-aaral, nasa lansangan upang maglaro kasama ang ibang mga bata. Pero ang batang ito ay nasa lansangan upang magtinda para lang may makain sila.

Lubos na nakaka-inspire ang kwento ng batang ito. Napakabuting anak dahil gagawin ang lahat para sa kanyang mga magulang. Walang hanggang pagmamahal ang pinaparamdam niya sa mga ito. At napakaswerte nila sa pagkakaroon ng mabuting anak at may mabuting puso na si Manny.

Source: GMA Public Affairs

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: