Press "Enter" to skip to content

Batang Na Hostage Sa Tramo Uno, Patay Na Bangkay Di Maiuwi Dahil Walang Pambayad Sa Ospital

Manila, Philippines – Kalunos lunos at nakakaawa ang sinapit ng paslit matapos itong gawing hostage sa isang kaguluhan na naging sanhi ng pagkamatay nito.

Ang sinapit

Ayon sa orihinal na post, humihingi ng tulong si Danilo Macapili Selim dahil sa nangyari sa bata na ginawang Hostage Sa isang kaguluhan ngunit kalaunan ay binawian ito ng buhay.

Batang Na Hostage Sa Tramo Uno, Patay Na Bangkay Di Maiuwi Dahil Walang Pambayad Sa Ospital 2

Ani nito,

“Nanghihingi po kami ng tulong sa inyo.. sya po yung batang hinostage sa tramo uno carnation st. ngunit nabawian din po ng buhay dahil sa natamo niyang saksak ( yurie esguerra)”

Dagdag pa niya,

“Maging ang kanyang tatay ay may natamo ding saksak 😭😭😭 nasa ospital pa po sya.”

Walang Pambayad

Dahil sa simpleng pamumuhay ng mag-ama kung saan ang tanging kabuhayan lamang ng tatay ay pagbu-vulcanize, wala pang sapat na pera ang pamilya para Tustusan ang gastusin sa ospital maging ang pagkuha sa bangkay ng bata.

Batang Na Hostage Sa Tramo Uno, Patay Na Bangkay Di Maiuwi Dahil Walang Pambayad Sa Ospital 3

Ani ni Danilo,

“Hindi po makuha ng mga magulang ang labi ng bata dahil kailangan pa daw po mabayaran ng 8k ang ospital. Sana po matulungan niyo kami.”

Dagdag pa nito,

“Hindi po kami mayaman, hikahos din po ang pamilya namin sa buhay. marami po silang magkakapatid.. sa vulcanizing po ang hanapbuhay ng tatay niya.. MAAWA PO KAYO.”

Panawagan

Nananawagan din ito sa kung sino man ang may busilak na kalooban na nawa’y tulungan sila ng sa gayon mabayaran ang bill sa ospital.

Sambit nito,

“Naway may may magmagandang loob na tulungan po kami. Masakit po para samin mawalan mg minamahal sa buhay lalo pa’t batang walang kamuwang muwang.”

Ilang oras lamang ang nakalipas mula ng lumabas ito sa social media ay umani na ito ng maraming shares at iba’t ibang bersyon kung saan pinalitan ang orihinal na numero ng Gcash na ibinigay sa naturang post.

Samantala, wala naman nabanggit sa naturang panawagan kung saang ospital kasalukuyang naka-hold ang labi ng bata.

Sa ngayon ay kumakalap pa ang Pinas Balita ng impormasyon kung anong hospital sila naroon at kung saan ipapa abot ang tulong pinansyal sa kung sino man na nais tumulong.

Source: Facebook/Danilo Macapili Selim

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: