Press "Enter" to skip to content

Batang Nagpasaya Ng Aso Nabiyayaan Ng Donasyon Mula Sa Mga Netizens

Dahil sa ipinakitang malasakit sa aso ni Rondel Sta. Ana na kanyang binantayan habang bumibili ang may-ari nito sa isang coffee shop nasuklian ito ng labis na biyaya mula sa mga netizen.

Ang pagkikita ni Rondel at ni Macey

Si Rondel, 12 anyos, ay galing sa mahirap na panilya mula sa Barangay Tuktukan, Taguig. Dapat ay nasa ikaanim na baytang na siya ngunit di na siya kinaya pag-aralin ng kanyang mga magulang.

Tumatakas si Rondel sa bahay kahit di siya pinapayagan ng kangyang ina na si Nerissa Mabini lumabaas. Dahil sa pandemya pumupunta siya sa mall upang mamalimos ng pagkain para makatulong sa pamilya.

I need to buy a drink @ cbtl but dogs are not allowed so Mazey should wait for me outside. Luckily this little boy was…

Posted by Mazikeen the Chow on Friday, July 17, 2020
Photo Credit: Mazikeen the Chow

Si Macey ay isang cute na chow chow na aso. Kasama ang nagmamay-ari na si AJ Soriano ng napadaan ito sa isang coffe shop.Dahil bawal ang aso sa loob kinailangan iwan ni Aj si Macey sa labas upang bumili ng maiinom. Dito nagmagandang loob si Rondel na bantayan ang aso.

Pagmamahal sa aso

Pinangarap na ni Rondel na magkaaso at maging isang pulis. Alam niya na may mga magnanakaw sa lugar kung kaya noong magkasama na sila ni Mazey ay binantayan niya ito at nilaro upang di ito mag-alala.

Batang Nagpasaya Ng Aso Nabiyayaan Ng Donasyon Mula Sa Mga Netizens 2
Photo Credit: Manila Bulletin

Ani pa ni Rondel

Marami pong nangunguha mga aso pati bike,

Ang cute po kasi ng balahibo niya

Donasyon mula sa mga netizens

Sa tagpong iyon, nakita ni AJ ang ginawa ni Rondel at kinuhanan niya ito ng litrato at video. Nagpost si Aj sa social media at nagsimula ang dumating ang mga donasyon galing sa mga netizen na naantig sa pinakita ni Rondel.

Ani pa ni AJ

I think deserve ng world makita ‘yung mga gano’ng positivity na napo-post sa social media,

Nagpapaabot ng pera ang mga netizens na ginamit ni AJ upang ipambili ng grocery para kay Rondel at sa kanyang ina na si Nerissa Mabini. Mayroon din taga ibang bansa na nais tumulong sa pag-aaral ni Rondel. Nagbigay naman ng facemask ang GMA News sa pamilya.

Dagdag pa ni AJ

Nung nag-viral ‘yung post, sobrang daming nag-reach out para magbigay ng tulong nila. At hindi lang sa Pilipinas nag-viral ‘yung post, dahil may mga tulong din na natanggap mula California and Singapore na nagbigay ng package at handang tumulong para pag-aralin si Rondel

Nung kwinento ko kay Rondel kung anong nangyari, sobrang natuwa siya, lalo na ‘nung nag-grocery kami. Sumakay pa siya sa cart.

Batang Nagpasaya Ng Aso Nabiyayaan Ng Donasyon Mula Sa Mga Netizens 3
Photo Credit: Manila Bulletin

Sa viral video, ang suot na damit ni Rondel na may larawan ni Jesus ay napag-alaman na napulot sa basuhan. Ito ay ginamit ng mga Ablaze community. At mula sa gumawa ng damit, nagpadala ng mga bagong damit para sa bata.

Ani ni AJ

Yung shirt ni Rondel na suot nya ‘nung Saturday may nakasulat na ‘Jesus.’ His shirt was from the Ablaze community, and we asked Rondel saan niya nakuha ‘yung shirt niya and sinabi niya na nakuha nya lang sa basurahan

Ayon kay Nerissa

Hindi ko nga po talaga ine-expect na magva-viral kasi sa totoo lang po mahilig po talaga siya sa hayop,

Batang Nagpasaya Ng Aso Nabiyayaan Ng Donasyon Mula Sa Mga Netizens 4
Photo Credit: Manila Bulletin

Nakita ni AJ ang katayuan sa buhay ni Rondel dahil sa malimit na pagbisita nito sa bata sa kanilang bahay upang mabisita ni Macey ang bago nitong kaibigan.

Ani pa ni AJ

Medyo mahirap lang talaga ang sitwasyon nila, lalo na ‘yung bahay nila, kasi wala silang kuryente at ‘yung bahay nila tumutulo kapag umuulan.

Pasasalamat sa mga natizens

Malaki bagay ang naitulong ng bawat donasyon maliit man o malaki sa pamilya ng bata kung kayat labis na pasasalamat ni AJ sa mga netizens dahil sa mga tulong ng mga ito. Labis din ang saya idulot nito par kay Rondel at sa kanyang pamilya.

Ani pa ni AJ

Hindi niyo po alam kung gaano kasaya si Rondel at ang pamilya niya. From a kid na laging namamalimos para may pambili ng pagkain, hindi na siya lumalabas ngayon.

Mapapanood sa video ang actual na pag-aalaga ni Rondel kay Macey

It’s amazing when two strangers become friends 🐶👦

Unfortunately I wasn’t able to capture the whole moment, but this video says it all 💕The video behind this viral post -> https://m.facebook.com/mazeywavey/posts/305479350812039?__tn__=-R

Posted by Mazikeen the Chow on Saturday, July 18, 2020
Video Credit: Mazikeen the Chow

Source: Manila Bulletin

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: