Press "Enter" to skip to content

Batang Paslit, Pinagsasaksak Ng 13 Beses. Sigaw Ng Pamilya, Hustisya Para Sa Kanilang Anak

General Santos City – Nag viral ngayon ang video ng isang Inang OFW matapos siyang manawagan sa publiko na sana ay tulungan sila makamot ang hustisya para sa kanilang anak kung saan sinaksak ng 13 beses.

Panawagan ng Ina

Sa kaniyang facebook post, nilabas ng Ina na si Angeline Saluna ang kaniyang pig hati matapos niyang malaman mula sa kaniyang asawa na si Heselito Saluna na nasaksak ng 13 beses ang kanilang 6 taong gulang na anak na babae.

Batang Paslit, Pinagsasaksak Ng 13 Beses. Sigaw Ng Pamilya, Hustisya Para Sa Kanilang Anak 2

Ayon kay Angeline,

“AKO PO AY NANAWAGAN NA ANG POST KUNG ETO AY SANA MAKARATING SA RAFFY TULFO PRA SA HUSTISYA NG AKING ANAK NA SI ROVELY NGOHO SALUNA 6 YEARS OLD AT SINAKSAK NA IKA 13 NA BISIS.”

Si Angeline ay nag tatrabaho bilang isang DH sa ibang bansa kaya naman halos mabaliw na ito sa kakaisip sa kalagayan ng kaniyang anak. Dagdag pa dito ang hirap ng kaniyang dinaranas dahil wala pang byahe ang domestic at international flights bungad ng banta ng COVID-19.

Pighati ng Ina

Nais ng pamilya lalong lalo na ng Inang si Angeline na makamtan ang hustisya para sa kanilang anak.

Batang Paslit, Pinagsasaksak Ng 13 Beses. Sigaw Ng Pamilya, Hustisya Para Sa Kanilang Anak 3

Ani niya,

“GUSTO KO MANG UMOWE WLA PANG BYAHE AT SANA PO AY MATULONGAN PO ANG ANAK KO PRA SA KANYANG HUSTISYA. ANG SAKIT SA DIBDIB NA MALAYO SA PAMILYA LALO NA SA MGA ANAK.”

Dagdag pa niya,

“HANGANG IYAK NLNG BA TALAGA AKO? PAGALING KA ATE CHEKAY NI MAMANG.”

Hustisya

Sambit pa ni Angeline sa kaniyang post na grabe ang ginawa sa kanilang anak dahil ito ay pinag sasaksak ng walang kalaban-laban at tumamo ng 13 beses na sugat sa katawan.

Nananawagan siya na sana’y matulungan sila lalong lalo na si Idol Raffy na sana sila ay mabigyan ng hustisya at madakip ang tao na gumawa ng krimen sa kanilang anak.

Ani pa ni Angeline,

“SAMAY GAWA NITO SANA NAMAN LUMABAS KANG HINAYOPAK KA. KUNG ASTIG KA LABAS KA SA LUNGA MO. PANO MO NA GAWANG SAKSAKIN ANG ISANG BATANG IKA 13 NA BISIS?”

Dagdag pa niya,

“HINDI MO LANG BA NA ISIP NA MAY KAPATID KA NA BABAE OR PAMANGKIN? TINGAN MO GINAWA MO SA ANAK KO?!!! SI ALLAH NA BAHALA SAYO.HUSTISYA LNG ANG GUSTO KO SA ANAK KO.”

Sa ngayon ay ligtas na sa bingit ng kamatayan ang kanilang anak at kasalukuyan pa rin na nasa hospital. Hindi pa rin matukoy ang pagkaka kilanlan ng taong gumawa nito sa kanilang anak at patuloynpa rin ang ginagawang imbestigasyon ng mga kapulisan sa kanilang lugar. Umaasa naman si Angeline na sana’y umabot ang kaniyang post kay Idol Raffy ng sa gayon mapa dali ang pag kamit nila ng hustisya.

Source: Angelyn Nicemra’ngoho Saluna

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: