Press "Enter" to skip to content

Batangas: Tatlong Negosyante Na Magdedeliver Ng Paninda, Dinakip!

Tatlong negosyanteng maghahatid sana ng kanilang paninda sa Batangas ay diumano dinakip ng hindi pa nakikilalang tao.

Missing persons

Panawagan ng netizen na si Jana Bacaraman Odal Umpara sa Facebook ay agarang imbestigasyon ukol sa pagkawala ng tatlo. Ayon sa post nito, ika-7 ng Nobyembre nang maganap ang insidente bandang Lemery, Talisay, o Taal. Ang mga biktima ay sakay ng isang puting van at nakatakda na magdeliver ng kanilang paninda.

Batangas: Tatlong Negosyante Na Magdedeliver Ng Paninda, Dinakip! 2

“Baka po may nakakakilala sa kanila na napansin sila kahapon (NOVEMBER 7, 2020) sa may bandang lemery, Talisay or Taal. Sakay po sila sa puting van. Nagdedeliver po sila ng paninda.”

Hindi makontak

Gayunman, napansin ng bawat pamilya ng mga biktima na hindi pa bumabalik ang mga ito sa karaniwang balik ng mga ito mula sa pagdedeliver. Tinatawagan umano ang mga telepono ng mga biktima ngunit hindi sinasagot at pinapatay lamang ang telepono. Hanggang sa hindi na ito makontak ng mga pamilya.

Batangas: Tatlong Negosyante Na Magdedeliver Ng Paninda, Dinakip! 3

“Tinatawaga po ang mga cellphone nila nagriring po pero pinapatay din po ito hanghang sa hindi na sila makontacr pa. Nireport na din po sa nga pulis pero sabi dapat 24 hours ng nawawala bago ideclare na missing person sila.”

Dinakip

Sa tulong ng GPS na nakakabot sa van, noong una ay natetrace pa ang lugar kung nasaan ang sasakyan. Paikot ikot lamang aniya ito aa Lemery at Taal.

Batangas: Tatlong Negosyante Na Magdedeliver Ng Paninda, Dinakip! 4

“Nasundan ang van na nasa bandang lemery sila dahil may nakalagay na GPS sa van na yun. Paikot ikot yung takbo ng van sa bandang lemery at TAAL.”

Kalaunan ay natagpuan na lamang ang van sa isang liblib na lugar sa Lemery, Batangas. Wala na din ang tatlo sa loob ng van kasama ang kanilang paninda. May mga device din na nakita sa loob ng sasakyan na syang diumano sinadyang sirain.

“Hanggang sa natagpuan ang van sa Liblib na lugar sa BARANGAY MAHABANG DAILIG Lemery Batangas. WALA NA ANG 3 SA Van at ang mga paninda. Ang natagpuan lang ay mga sirang devices sa loob ng sasakyan na parang sinajang sirain dahil hinahanap nila kung nasaan ang GPS na nakalagy sa sasakyan.”

Puno ng pag-asa ang mga pamilya ng biktima na makabalik nang ligtas ang kanilang kaanak.

“Kaya umaasa po kaming mga kamag anak at pamilya nila na buhay pa silang tatlo. 😭😭 Humihingi po kami ng tulong sa may kakilalang reporter na maaring tumulong para maiere sa tv ang nangyare po sa pinsan ko.”

Mga biktima

Ang mga biktima ay kinilalang sina:

Jalal Mamailao, 28- taong gulang at nakatira sa Barangay 3 Balayan, Batangas.

Cherry Mae Causapin, 31-taong gulang, at nakatira sa barangay 3 balayan batangas.

Asnor Acmad, 23 taong gulang, mula sa Barangay 3 Balayan Batangas

Batangas: Tatlong Negosyante Na Magdedeliver Ng Paninda, Dinakip! 5

Huli sa cctv

Kita naman sa isang CCTV sa San Luis na isinakay ang mga biktima sa isa pang sasakyan. Pinagbukod ang mga ito sa magkaibang kotse. Panawagan ng netizen sa mga nasa karatig lugar kung may makita sa kanilang cctv na syang makatutulong sa paghahanap.

Batangas: Tatlong Negosyante Na Magdedeliver Ng Paninda, Dinakip! 6

“UPDATE: MAY NAKAKITA PO DAW SA CCTV NG SAN LUIS NA ISINKAY SILA SA IBANG SASAKYAN. PINAGBUKOD ANG TATLONG HOSTAGE. SI KUYA JALLAL DUN SA ISANG SASAKYAN TAPOS SI ATE MAY AT KUYA ASNOR DUN SA ISA PANG SASAKYAN. BAKA PO MAY MAHIHINGAN PA NG CCTV FOOTAGE NA. MALAPIT SA SAN ISIDRO IBABA LEMERY, BARANGAY MAHABANG DAILIG LEMERY OR DUN SA MAY RESORT PO SA BARANGAY BUTONG TAAL (SALAZAR RESORT)”

Source: Jana Bacaraman Odal Umpara

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: