Press "Enter" to skip to content

Bawal Na Ang Pwersa Usog! Ilang Nakasanayang Gawain Ng Pinoy, Bawal Na Sa Ilalim Ng “New Normal”

Ayon sa mga eksperto, dapat ng itigil ng mga Pinoy ang ilan sa mga nakasanayan ng gawin mula pa noon. Kabilang na dito ang “pwera usog”, “macho sneezing”, at pagiging “durarista”.

Pagdura at pagbahing

Ngayon magsisimula na ang GCQ, inaasahan na mas luluwag kahit paano ang quarantine protocol. Dahil dito inaasahan na paunti-unti ay magbabalik na sa dating nakasanayan ang mga tao. Ngunit may mga bagay na hindi na dapat pang ipagpatuloy ayon sa mga eksperto.

Bawal Na Ang Pwersa Usog! Ilang Nakasanayang Gawain Ng Pinoy, Bawal Na Sa Ilalim Ng “New Normal” 2

Ang pagiging “durarista” o pagdura sa pampublikong lugar, “macho sneezing” o pagbahing ng malakas at “pwera usog” o paghawak at pagpahid ng laway sa isang sanggol ay ilan lamang sa mga dapat ng itigil. Sa pamamagitan kasi ng laway at pagbahing maaaring mahawahan ang isang tao ng COVID-19.

Delikado na ang pwera usog

Para sa isang medical anthropologist na si Dr. Michael Tan, dapat ipaalam sa publiko na dapat ng itigil ang mga nakasanayang ito. Inaakala man ng marami na hindi ito delikado, ngunit iba na ngayon kung saan may virus ng kinakatakutan.

Ayon kay Tan, “I’m worried because we still have a lot of durarista. It’s a huge cultural issue,”

Dagdag pa niya, “We need to intensify our public health campaigns. In reality, there are a lot of Filipinos who do not believe that saliva is a problem,”

POGO

May batas ng nagbabawal sa pagdura sa mga kalsada. Ngunit ang problema aniya ay hindi naman ito naipapatupad ng maayos. Ginawa niyang halimbawa ang chinese worker sa POGO o Philippine Offshore Gaming Operators. Ugali kasi umano ng mga chinese ang pagdura sa kung saan saan kung kaya maaari itong magdulot ng panganib.

Isa pa sa kinokonsiderang delikado ng gawin ay ang pag kakaraoke. Kilala ang mga Pinoy bilang mahilig kumanta kung kaya bentang benta ang mga karaoke bar. Ang taksik ng laway sa mikropono ay maaaring magpakalat umano ng virus.Kung kaya naman inirerekomenda ni Tan na huwag munang payagang magbukas ang mga bar.

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: