Press "Enter" to skip to content

Bea Alonzo At Dominic Roque, Sila Na Nga Ba?

Manila, Philippines – Sinubaybayan ng netizen ang kilig factor nina Dominic Roque at aktres na si Bea Alonzo. Kaya naman, lalong lumakas ang ugong-ugong na balita na may namumuong spesyal na relasyon ang dalawa matapos ma-ispatan ulit ng netizen ang larawan na magkasama sila.

Friends nga lang ba?

Isa na namang revealing clue ang ibinigay ni Dominic Roque na lalong nagpalakas sa hinalang may namumuo ngang relasyon sila ng aktres na si Bea Alonzo.

Madalas ma-ispatan ang mga ito na magkasama pero ayon naman sa aktor at aktres sila ay magkaibigan lamang. Ngunit hindi parin natitigil ang ispekulasyon ng netizens sa totoong score ng relasyon ng dalawa. Lalo na ng mag post si Dominic ng isang sweet photo noong birthday ni Bea.

Bea Alonzo At Dominic Roque, Sila Na Nga Ba? 2

Ani sa caption ni Dominic

“Happy Birthday Beyy!!”

Na may kasunod na emoticon na puso, kidlat at yakap. Umani ito ng 92,880 likes mula sa mga taga-hanga ng aktor ay aktres.

Misteryosong larawan

Nitong Martes, nag upload si Dominic sa kaniyang Instagram account ng isang babae’t lalake na kumakain ng Ramen sa isang restorant na naka takip ang mga mukha ng kurtina. Ang naturang larawan ay hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng mga netizens. Ayon sa mga fans, mukha ng dalawa ang nasa Instagram na larawang inupload ng binata.

Bea Alonzo At Dominic Roque, Sila Na Nga Ba? 3

Bagamat may divider sa kanilang pagitan, maaninang mo na sila’y nagtitinginan patungo sa direksyon ng mata. Nakansuot ng itim na Tshirt ang lalake habang ang babae naman ay naka black blazer at kumikinang na relos. Ayon sa netizens, ito’y kuha na larawan sa Tokyo, Japan.

Sila na nga ba?

Matatandaan na noong Nobyembre 2019 nag post sa Instagram account si Dominic ng larawan nito sa kaniyang kasalukuyang byahe sa Tokyo, Japan. Kaya naman malakas ang pangamoy ng mga sumusubaybay sa kanilang umuusbong na relasyon lalo na ng tumugma ang mga outfit nina Dominic at Bea sa kasuotan ng dalawang tao sa recent post ni Dominic.

Bea Alonzo At Dominic Roque, Sila Na Nga Ba? 4

Kaya naman maraming netizen ang nag kompirma na sina Bea at Dominic ang mga characters na ipinost ng aktor sa Instagram nito ng isang gabi.

Bea Alonzo At Dominic Roque, Sila Na Nga Ba? 5

Iti ag may nakalagay na caption,

“tila ako’y nabighani”

Kaya naman nag halo ang emosyon ng madla at nagbigay ito ng ibat-ibang komento lalo ng naka-tag ang pangalan ng aktres sa naturang larawan. Samantalang, nag trending sa Twitter world ang Domic Bea na usapin na lahat ay masaya sa namumuong relasyon sa dalaga at binata.

Bea Alonzo At Dominic Roque, Sila Na Nga Ba? 6
Bea Alonzo At Dominic Roque, Sila Na Nga Ba? 7

Source: ABS CBN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: