Press "Enter" to skip to content

Benipisyaryo Ng Balik-Probinsiya Program Sa Leyte, Nag Positibo Sa Covid-19

Manila, Philippines – Dalawa mula sa mahigit 100 kataong nagsipag-uwian sa Leyte sa ilalim ng Balik Probinsiya, Bagong Pag-Asa Program ang nagpostibo sa Covid-19.

Bagong biktima

Ayon Department of Health (DOH) sa Eastern Visayas, ang mga nagpositibo ay isang 26-anyos na lalaki mula sa bayan ng Tanauan, Leyte habang ang isa naman ay isang 28-anyos na lalaki mula lungsod ng Baybay.

Dagdag pa ni Dr. Minerva Molon, DOH regional director, na hindi nagpakita ng sintomas ang dalawa at sa ngayon ay naka-quarantine na. Iginiit ni Molon na hindi niya mairerekomenda ang pagsuspinde ng Balik Probinsiya sapagkat isa itong programa ng pamahalaang nasyonal.

Benipisyaryo Ng Balik-Probinsiya Program Sa Leyte, Nag Positibo Sa Covid-19 2
Photo credit: Bulgar Online

Ang magagawa lamang daw ng DOH Region VIII ay tignan kung may mga pagkukulang sa implementasyon ng nasabing programa upang matiyak na ang mga magsisipag-uwian sa lalawigan sa hindi na makapanghahawa pa ng iba.

Mga darating at uuwi pa lang

Ayon kay Molon, tinatayang nasa 4,000 ang inaasahang uuwi ng Leyte sa ilalim ng Balik Probinsya program, na naglalayong hikayatin na maghanap-buhay at bigyan ng oportunidad sa lalawigan ang mga Pilipino upang mabawasan ang paninikip sa Kamaynilaan.

Noong nakaraang araw, mahigit 100 na manggagawa galing Maynila ang nagsipag-uwian sa Leyte, na isa sa mga unang lalawigang nagpatupad ng Balik Probinsya.

Benipisyaryo Ng Balik-Probinsiya Program Sa Leyte, Nag Positibo Sa Covid-19 3
Photo credit: Bulgar Online

Tiniyak naman ni Dr. Lesmes Lumen, provincial health officer ng Leyte, na sumailalim sa swabbing ang mga nagsipag-uwian sa lalawigan bago sila payagang bumiyahe patungo sa kanilang mga tahanan.

Hindi na-swab test

Ayon kay Lumen,hindi na-swab sa Metro Manila ang karamihan ng mga nagsipag-uwian kaya sila ay sumasailalim sa swabbing pag dating sa Leyte.

Benipisyaryo Ng Balik-Probinsiya Program Sa Leyte, Nag Positibo Sa Covid-19 4
Photo credit: Cebu Daily News

Sa kasalukuyan, ipinadala na ang swab samples sa Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC) sa Cebu City para sa testing. Ilang pamahalaang lokal ang nagsagawa rin ng swabbing sa mga nasasakupan nitong kababayan at ipinadala ang mga samples sa Divine Word Hospital sa Tacloban City para matest.

Sa datos noong Mayo 29, 31 na ang naitatalang kaso ng Covid-19 sa Eastern Visayas.

Source: Bulgar Online

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: