Biden, Pinuri Ang Fil-American Nurses Sa Gitna Ng Pandemya
Binigyang pugay kamakailan ni Joe Biden, Pangulo ng Estados Unidos ang mga Fil-American nurses sa kanilang patuloy na paglilingkod at pagsasakripisyo sa gitna ng laganap na pandemya ng COVID-19 na kinakaharap ng bansang United States. Ito ay ayon sa isang pahayag na inilathala ng Philippine Embassy sa US.

Ito ay kaugnay sa mensaheng ipinaabot ng White House sa selebrasyon ng Filipino American History Month na idinaraos tuwing buwan ng Oktubre mula ng taong 2009. Binanggit din sa mensahe ang ambag ng mga Pilipino mula pa noong 16th century “who have served our Nation, defended our democracy, and fought for the promise of a more just and inclusive America.”

Ayon sa isang pag-aaral, habang ang mga Fil-Am nurses ay binubuo lamang ng apat na porsyento sa buong US noong 2020, mahigit na 30 porsyento ng mga nars na nawalan ng buhay dahil sa COVID-19 ay mga Fil-Am.
Sinabi pa ni Biden sa kanyang mensahe na ang bansang America “mourns the losses and honors the tremendous contributions of Filipino Americans during this global health crisis and throughout our history.”

Source: GMA News