Press "Enter" to skip to content

Big Sale Sa Isang Shop Sa CDO Mall, Nilabag Ang Health Protocols, Hahaharap Sa Kaso

Paimbestigahan ng IATF local law enforcement cluster ang isang Shop sa loob ng malaking Mall sa Cagayan de Oro, na nagsagawa ng “BIG SALE” at nabigong ipatupad ang social distancing dahil sa dami ng tao.

Dinumog

Noong Sabado, nagkaroon ng Sale sa isang shop sa isa sa malaking mall sa siyudad, at dahil sa taas ng ibinibigay na discount na up to 80% ay dinumog ito nga mga tao. Kaya, bigo ang tindahan na ipatupad ang social distancing.

Big Sale Sa Isang Shop Sa CDO Mall, Nilabag Ang Health Protocols, Hahaharap Sa Kaso 2
Photo Credits: Sunstar

Branded Apparels

Ang naturang “BIG SALE” ay nakatakda sana sa August 15 to 21. At nag announce na magbibigay ng malalaking discount na hanggang 80% sa mga branded shoes and apparels sa kanilang Facebook page. Sa lumabas na balita, ang Planet Sports ang nag sagawa ng Sale, pero ang Sports Warehouse ang nag labas ng statement sa kanilang FB.

Dahil sa dami ng tao, nagpasya ang management ng Limketkai Mall, na isara ang entrances sa area na kung saan ginawa ang sale, bago ang lunch time. Pero ayon sa ulat, hindi naman isinara sa mga shoppers ang buong mall. Dahil, ang area kung saan nandoon ang sale ay may separate na mga entrances.

Big Sale Sa Isang Shop Sa CDO Mall, Nilabag Ang Health Protocols, Hahaharap Sa Kaso 3
Photo Credits: Planet Sports/FB

Sa statement ni Atty. Jose Edgardo Uy, head ng City’s Regulatory Compliance Board (RCB),

“Only the atrium was closed to the public. People who are inside the mall can still go to other stores.” 

Ang Atrium ng Limketkai Mall ay, nagsisilbi ring convention venues sa mga malaking gatherings at nakaka-accomodate ito ng maraming tao.

Big Sale Sa Isang Shop Sa CDO Mall, Nilabag Ang Health Protocols, Hahaharap Sa Kaso 4
Photo Credits: Inquirer

Nag-aabang na bago nagbukas

Ayon Dr. Charles Marquez, na nandoon mismo sa mall para magbigay ng flue vaccination, ay marami nang tao bago pa man nagbukas ang mall. At walang sinunod na social distancing ang mga ito habang naghihintay sa pagbukas ng mall.

Sabi niya,

“Even before the mall opened, people were queueing at the entrances without observing social distancing. As the entrances opened, people rushed to the atrium.”

Big Sale Sa Isang Shop Sa CDO Mall, Nilabag Ang Health Protocols, Hahaharap Sa Kaso 5
Photo Credits: Planet Sports/FB

Agad naglabas ng statement ang management ng Limketkai Mall at sinabi,

“Please be advised that our management have temporarily stopped the said activity at the Atrium which was thereafter seconded and approved by the city government. Rest assured that Limketkai Mall is one with the government in their campaign in fighting the spread of COVID-19.”

Isinumbong

Umabot mismo sa pansin ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., at pinuna niya sa kanyang twitter post at ipinawagan sa IATF.

Big Sale Sa Isang Shop Sa CDO Mall, Nilabag Ang Health Protocols, Hahaharap Sa Kaso 6
Photo Credits: MindaNews

Kaya agad na aksyonan ng mga local officials ang pangyayari at itinigil ang naturang Sale. Gayun pa man, maraming nitizens ang nabahala sa insidente, dahil ang Cagayan De Oro ay patuloy na nilalabanan ang pagkalat ng local transmission sa siyudad, at mahigpit sa mga ipinatutupad na mga protocols sa mga LSIs at ROF.

Source: Manila Bulletin

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: