Press "Enter" to skip to content

Biglang Yaman? Chairwoman Nakabili Nga Ba Ng Dalawang Kotse At Nagpagawa Ng Bahay?

Ang chairwoman ng Sitio Masikap Barangay San Jose Antipolo City na si Norma Camacho ay viral ngayon sa social media dahil sa isang post ng isa sa kanyang mga nasasakupan. Nagkalat ang mga litrato ng chairwoman dahil kalakip ito sa post ng isang nagngangalang Rosalinda Dela Cruz.

Biglang yaman?

Ayon sa post ni Rosalinda, nagtataka daw ito bakit sa kabila ng pandemic na kinakaharap ng buong mundo ay tila yata biglang yaman naman si Chairwoman? Sa kwento niya, nakabili daw ng dalawang kotse si Camacho, isang white at isang blue.

Biglang Yaman? Chairwoman Nakabili Nga Ba Ng Dalawang Kotse At Nagpagawa Ng Bahay? 2

Dagdag pa dito, nagpapagawa pa daw umano ng bahay itong si camacho. Nagtataka itong si Rosalinda bakit ganun daw ba kalaki ang sahod ng chairwoman at sa pandemic.

Paghihinala

Kalakip din sa post ni Rosalinda ang paghihinala na kaya pala pinipili ni Chairwoman ang mga bibigyan ng SAP form, at kaya daw mga pili lang talaga ang nabigyan ay baka mayroon na itong naibulsa para sakanya.

Biglang Yaman? Chairwoman Nakabili Nga Ba Ng Dalawang Kotse At Nagpagawa Ng Bahay? 3

Tama nga naman siya, sumang-ayon ang mga netizens. Hindi naman daw ganun kalaki ang sahod ng chairwoman para makabili ng dalawang kotse at magpagawa ng bahay. At sa gitna pa talaga ng pandemya.

Wag manghusga

Bagaman maraming netizens ang kumastigo kay chairwoman dahil grabe naman daw ang pagkacorrupt, meron din namang mga ilan na nagsabi na wala naman ebidensya. Kaya wag muna daw humusga kung wala naman daw ebidensya at walang napapatunayan.

Source: Rosalinda Dela Cruz

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: