Press "Enter" to skip to content

Bilang Ng Mga International Travelers Bumagsak ng 95% Mula Nang Mag-Lockdown

Aminado ang Bureau of Immigration na bumaba ng 95% ang bilang ng mga international passengers na pumasok at lumabas ng bansa simula noong inanunsiyo ang lockdown noong Marso.

Nakaraang taon

Noong nakaraang taon (2019) tinatayang umabot ng 15.31 na milyon ang mga international passengers sa kalahati ng taon o ang mga buwan mula Enero hanggang Hunyo. Ayon naman kay Immigration Deputy Spokesperson at BI National Operations Center (BINOC) Acting Chief Melvin Mabulac tanging 189,000 na pasahero lamang ang pumasok sa bansa sa buwan ng Marso 16 hanggang Hunyo 30 kumpara sa 5.16 million passengers na dumating sa bansa sa kaparehong buwan noon.

Bilang Ng Mga International Travelers Bumagsak ng 95% Mula Nang Mag-Lockdown 2
Photo Credit: GMA Network

At 238,000 ang umalis sa bansa, kumpara sa 5.18 milyong sa parehong panahon noong 2019. Ani nga ni Bureau of Immigration Commissioner Jaime Morente, ang passenger arrival volume mula Marso 16 hanggang Hunyo 30 ay bumaba ng mahigit 96% habang ang departure volume ay bumulusok pababa ng 95%.

Ang dahilan

Ang pagbaba sa bilang ng mga pasahero ay naramdaman noong naipatupad ang community quarantine sa Pilipinas. Matatandan na inanunsiyo noong Marso 12 ang pagpapahinto sa land, sea, at air travel papunta at palabas ng Maynila.

“We do not foresee these statistics to rise in the near future while the entire world is still fighting to defeat this coronavirus,” said Morente.

Bilang Ng Mga International Travelers Bumagsak ng 95% Mula Nang Mag-Lockdown 3
Photo Credit: GMA Network

Dagdag pa niya na ang nangyaring sobra-sobrang pagbulusok ng passenger statistics ay dahil sa suspensiyon ng mga international flights ng iba’t ibang airline companies.

Sa nangyaring travel ban marami ang na-stranded sa mga lugar na huli silang nanatili, mayroon mga locally stranded indiviuals, at nandyan din ang mga OFW na hindi makauwi o naipit sa iba’t ibang parte ng mundo at ang mga OFW din na hindi makaalis ng bansa dulot ng COVID-19.

Ang naging kalagayan

Ayon kay deputy spokesperson Melvin Mabulac, maraming pasahero ang pumasok at lumabas sa bansa sa pamamagitan ng Ninoy Aquino International Airport dahil sarado ang ibang international gateways noong may lockdown.

Bilang Ng Mga International Travelers Bumagsak ng 95% Mula Nang Mag-Lockdown 4
Photo Credit: GMA Network

Ani niya, pinayagan lamang ang  Clark at Mactan airport na bumalik sa operasyon nito noong Hunyo. Saad pa niya, na kabilang sa mga dumating ang mahigit 16,000 seafarers na bumaba sa barko makaraang i-quarantine sa mga barko sa Manila Bay.

Sa kasalukuyan, ang bansa ay mayroon nang 61, 266 na kaso ng COVID-19, 1, 643 deaths at 21, 440 ang mga naka-recover.

Source: GMA Network

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: