Press "Enter" to skip to content

Bilang Ng Mga Namimili Online, Tumaas!

Ang dami ng mga nag-oonline shopping ay mas lalong tumaas dahil ang mga tao ay pinapayuhang manatili sa bahay dulot ng virus na COVID-19. Ang mga namimili ay hindi lamang nanggaling sa mga siyudad kung hindi buong bansa na ang namimili online.

Napansin ang pagdami

Ayon kay Shopee Philippines Associate Director Martin Yu, nakita nila na buong bansa na ang gumagamit ng kanilang app, at para sa kanila, ito ay tumaas dahil ang mga tao ay naghahanap ng solusyon upang matugunan ang kani-kanilang mga pangangailangan. Ang mga nag-oorder sa buong bansa ng Pilipinas ay tumaas.

Bilang Ng Mga Namimili Online, Tumaas! 2
Photo Credit: Philstar

Wala man siyang maipakita na piguro o datos, ipinahayag ni Director Martin Yu na malaki ang bilang ng may kailangan ng mga gamit sa personal na kalinisan at iba pang pangangailangan tulad ng mga nabibili sa grocery at mga lampin o diaper.

Ang plataporma

Ang pahayag ay sinabi ni Director Martin Yu sa virtual launch ng partnership ng Where You Shop Matters ng digital payments solution provider na Visa. Ang Shopee Philippines-Visa partnership ay may layuning himukin ang mga mamimili na bigyang suporta ang mga lokal na negosyo.

Bilang Ng Mga Namimili Online, Tumaas! 3
Photo Credit: Nairametrics

Nais din nitong tulungan ang mga Small at Medium Enterprises (SMEs) na makilala pa online para marami ang makapamili dito. Ayon kay Dan Wolbert, Visa Country Manager sa bansang Pilipinas at Guam, ang tie-up ay konektado sa pagtulong nila sa mga maliliit na negosyo sa Asia Pacific at kasabay nito ay ang pangakong pagtulong sa mga small business sector sa mundo.

Bilang Ng Mga Namimili Online, Tumaas! 4
Photo Credit: ABS-CBN News

Dagdag pa niya, ang mga Visa cardholders ay mabibigyan ng discount kapag bumili sa mga lokal na negosyo sa Shopee. Ito ay makakatulong sa libo-libong mga lokal na negosyante sa Pilipinas at may tiwala sila na susuportahan ng mga Pilipino ang mga negosyong ito.

Ang tulong sa mga lokal na negosyo

Sa pamamagitan ng tie up, mabibigyan ng Visa ang mga lokal na SME ng Visa e-Commerce Starter Kit na kung saan makakatulong para makasimula ang mga ito at mapalago ang mga online store nila. Marami pang naitulong ang Visa, at isa na rin ang pagbibigay access sa mga business package ng Microsoft 365 at cashback sa Google Ads.

Ayon kay Dan Wolbert, pinili nila ang Shopee dahil kilalang-kilala ito at isa ito sa pinakamalaking e-commerce platform sa bansa.

“With the pandemic hampering our activities and forcing many of us indoors, the need and usage for Shopee has risen exponentially for both consumers and merchants. With that, we saw a great benefit in partnering with Shopee to help as many buyers and businesses as we can,” paliwanag niya.

(Dahil sa pandemya na nakakaapekto sa ating mga gawain at ang mahigpit na pananatili sa loob ng bahay, ang pangangailangan at gamit ng Shopee ay tumaas para sa mga mamimili at negosyate. At dito namin nakita ang malaking benepisyo sa pakikipagtulungan sa Shopee upang magbiyang tulong ang maraming mga mamimili at negosyo.)

Sa ngayon, malapit na sa bilang na 500 000 ang mga aktibong nagtitinda sa app na Shopee.

Source: Philippine News Agency

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: