Press "Enter" to skip to content

Bilang Ng Mga Napauwing Mga OFWs Ayon Sa IATF Nasa 50,105 Na!

Nasa 50,105 na ang napa-uwing mga OFWs. Iba’t-ibang ahensya ng gobyerno puspusan ang pagbibigay ng mga tulong para sa mga nawawalan ng trabaho na OFWs.

Lalong lomobo ang walang trabaho

Ayon sa datos ng Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ay umabot na sa 50,105 ang mga napa uwing OFWs sa bansa na mangangailangnan ng suporta sa gobyerno. Ang bilang na ito ay dumagdag sa listahan ng mga walang trabaho sa bansa sa gitna ng pakiki-paglaban sa Covid 19 pandemia.

Bilang Ng Mga Napauwing Mga OFWs Ayon Sa IATF Nasa 50,105 Na! 2
Photo Credits: The Philippine Star

Nagsi pag uwian na

Ayon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana,simula noong May hanggang June 14, ay nasa 41,000 OFWs na ang nagsipag uwi sa kani-kanilang mga probinsya.

Aniya,

“Tuloy-tuloy pa rin po ‘yong ating pag-repatriate at pagtanggap ng repatriates na galing sa ibang bansa at ang target is hindi tatagal ng five days at mapapauwi na,”

Ibang hamon sa pagbalik pamilya

Bagamat, nakapag pahinga ng maluwag ang mga OFWs matapos itong maka uwi sa kani-kanilang mga pamilya. Pino-problema naman nila ngayon kung paano harapin ang buhay habang wala pa silang pagkakita-ang hanap buhay.

Bilang Ng Mga Napauwing Mga OFWs Ayon Sa IATF Nasa 50,105 Na! 3
Photo Credits: MSN News

Di natatapos ang problema

Sa ibang mga nai-ulat na balita, sinusubukan ng gobyerno na mabigyan ng ibang alternatibong tulong ang mga naka uwing mga OFWs. Ito ay sa pamamgitan ng pag bibigya ng mga ibat-ibang skills training at pakikipag kasunduan sa mga kompanya, para mabigyang oportunidada ang mga OFWs na makapag simula muli.

Bilang Ng Mga Napauwing Mga OFWs Ayon Sa IATF Nasa 50,105 Na! 4
Photo Credits: CNN Philippines

May mga naiiwan pa

Marami pa ang a-asikasuhin ng gobyerno pagdating sa pag alalay ng mga tinatawag nilang modern day heroes. Ayon sa Department of Foreign Affairs, maliban sa problema ng pagpa-pauwi ay may mga naitala pang mga OFWs na may covid 19 na nasa 5,566 at karamihan ay nasa Middle East at Africa. Nasa 2,497 naman ang na e-report na gumaling na, habang 426 na ang nasawi.

Iba’t ibang tulong

Kaya iba’t-ibang programa ang patuloy na inihahain ng mga ahensya ng OWWA, DOLE at TESDA para magampanan ang kani-kanilang mga mandato sa pag bigay serbisyo, nang sa gayun ay maibsan ang mga problema ng mga Pilipino sa gitna ng kahirapan dulot ng pandemia.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: