Press "Enter" to skip to content

Bilang Ng Pulis Na Nag Positibo Sa COVID-19 Umabot Na Ng 50

Manila, Philippines – Ibinunyag ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na pumalo na sa 50 ang bilang ng mga alagad ng batas na nag positibo sa COVID-19. Ito ay sa gitna ng ipinatutupad na Luzon-wide lockdown.

Kinompirma ang bagong kaso

Ito ang ibinalita ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/Lt. Gen. Guillermo Eleazar sa kanyang Laging Handa virtual briefing kasama ang ibang Opisyal ng gobyerno.

Bilang Ng Pulis Na Nag Positibo Sa COVID-19 Umabot Na Ng 50 2
Source: Inquirer

“Actually, doon po sa ating bagong categorization, meron pong 50 na confirmed na mga pulis at meron ng 254 na probable, at 348 na suspects. A total of 652.”

Dagdag pa ni Eleazar, naglaan na ng mga pasilidad para sa mga apektadong kapulisan na bumubuno sa virus.

Tungkuling sinumpaan

Kasama ng mga kawani ng Armed Forces of the Philippines, nasa labas ng mga bahay ang mga miyembro ng PNP para mag mando sa mga itinalagang mga checkpoint. Ito ay patuloy habang ipinapatupad ang Enhanced Community Quarantine sa iba’t ibang panig ng bansa.

Bilang Ng Pulis Na Nag Positibo Sa COVID-19 Umabot Na Ng 50 3
Source: Bombo Radyo

“Sa iba’t iba po namin na kampo ay mayroon tayong mga facilities para mabigyan po sila ng kaukulang atensyon.”

Ayon pa sa kanya, patuloy pa rin ang mga isinasagawang plano at pagpapatupad ng sari-saring intervention measures. Ito’y upang matigil na ang lalong pagkalat ng virus sa tulong na rin ng administrative support at operation task force na nilikha ni Gamboa.

PNP sa Abril 30

Samantala, sinabi ng Deputy Chief PNP for Administration na si Lt. Gen. Camilo Cascolan, na bilang Commander ng Administrative Support for Covid-19 Operations Task Force (ASTF), titiyakin nya na magpapatuloy ang swabeng operasyon ng PNP habang may pandemya.

“Siguraduhin ko na mabibigyan ng tamang atensyon ang ating mga pulis. At the same time, ma-sustain po itong operation ng ating PNP even beyond the April 30 kung sakali pong magkakaroon ng modified community quarantine.”

Bilang Ng Pulis Na Nag Positibo Sa COVID-19 Umabot Na Ng 50 4
Source: Remate

Tinutukoy niya ang pagtatapos ng ECQ, na nakatakda sa ika-30 ng Abril.

Matatandaan na sinabi ng Pangulong Rodrigo Duterte na babawiin lang niya ang quarantine at lockdown sa oras na maging abot kamay na ang mga anti-bodies at lunas kontra COVID-19.

Bakuna

Samantala, una nang sinabi ni Health Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire na maaaring abutin pa nang anim hanggang isa’t kalahating taon bago makapag-develop ng bakuna laban sa COVID-19.

Bilang Ng Pulis Na Nag Positibo Sa COVID-19 Umabot Na Ng 50 5
Source: Rappler

Sa kabuuan, mayroon ng 111,000 kaso ang naitala ng kapulisan para sa mga sutil at pasaway na mamamayan na lumabag sa ipinapatupad ng gobyerno na lockdown simula ng Marso 17.

Source: Inquirer

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: