Press "Enter" to skip to content

Bill Sa Tubig Pwedeng Bayaran Ng Installment Hanggang 1 Taon?

Sa anunsyo ng Maynilad at Manila Water ay sinabi nitong maaring bayaran ang bill ng tubig na mula Marso hanggang Mayo. Ang installment basis sa pagbabayad ay pwede ng 6 na buwan hanggang isang taon ngunit dapat ay mayroong downpayment.

Konsumo ng tubig

Ang mga non-lifeline member o kumokonsumo ng higit 10 cubic meters per second mayroong palugit hanggang July 31 upang magbayad habang ang lifeline consumer naman ay may konsumong 10 cubic meters per second o mas mababa pa ay may palugit hanggang August 31 naman.

Konsumo Ng Tubig- Maynilad

Ito ay ayon sa anunsyo ng kumpanya ng Maynilad at Manila Water sa kanilang panayam nitong Biyernes July, 10.

Primossory note

Samantala, para sa mga lubhang walang kakayanan na bayaran ang bills sa palugit na ibinigay ng kumpanya ay maari naman magkaroon ng promissory note arrangement mula dito kung saan maaring bayaran ang bill ng may 3 buwan hanggang 1 taon.

Promissory Note- Maynilad

Para sa nais mag-installment hanggang 1 taon ay mayroong 30% down payment na kailangan ibigay, maari naman diumano na makipagtawaran depende sa kakayanan ng isang customer sa pagbabayad. Sa nais naman na 3-6 na buwan na pagbabayad ay mayroong 50% down payment naman na kailangan ibigay.

Sakop na bill

Samantala, nilinaw naman ng kumpanyang ito na ang promissory note na ito ay para lamang sa nagdaang ECQ bill mula Marso hanggang Mayo habang ang ibang water bill na darating ay kailangan ng bayaran sa nakatakdang due date. Ang mga nais mag-apply para sa installment basis na ito ay maaring magpunta lamang sa opisina ng Maynilad at Manila Water upang maisaayos ito.

Sakop Na Bill- Maynilad

Gayunpaman, ay sinabi ng isang konsyumer na si Natividad ay malaking bagay na diumano ito lalo pa at ilang buwan sarado ang kaniyang tindahan at nagbukas man muli ay hindi pa naman ganoon kalaki ang kinikita.

Aniya,

“Pagsisikapan kasi ginamit mo na ito e, hindi mo naman ito pwedeng takasan at hindi naman pu-pwedeng wag nang bayaran. “

Para sa iba pang mga balita at impormasyon bisitahin ang PinasBalita.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: