Press "Enter" to skip to content

Binatilyo, Nilibre Ng Jollibee Ang Batang Namamalimos At Hindi Pa Kumain

Napasaya ng isang binatilyo ang isang paslit matapos na walang pag-aalinlangan nitong ilibre ng Jollibee upang makatawid man lang ng gutom.

Nangyari

Marami ang naantig na sa gitna ng nararanasan nating krisis sa panahon ngayon ay marami pa rin ang nagpapakita ng malasakit sa kapwa. Samantalang naman ang iba ay nakahandang magbigay at mag share kahit papano kung ano man ang meron sila para sa mga nangangailangan.

Binatilyo, Nilibre Ng Jollibee Ang Batang Namamalimos At Hindi Pa Kumain 2

Kagaya na lamang ng isang netizen na walang pag-aalinlangangang ilibre ng Jollibee meal sa isang batang namamalimos.

Good samaritan

Ayon pa kay JJ Villareal, nakita niya ang bata habang siya ay nakapila para bumili ng pagkain dahil kaarawan ng kaniyang tito. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay bigla na lamang umano lumapit ang bata at nagpapabili ito ng 1 piece chicken, kanin, coke at sinabing hindi pa ito kumakain.

Kaya naman ito’y pinagbigyan ng netizen dahil ramdam niya na gutom na ito. Maya-Maya pa umano ay humiling muli ang bata sa kaniya at humirit ito ng family size dahil ayon sa bata ay birthday rin daw ng kaniyang kapatid at nag hihintay sa kaniya ang kaniyang mga magulang at pitong kapatid sa bahay.

Blessing in disguise

Dahil kulang na ang kaniyang prang dala ay minabuti ni JJ na kausapin ang bata at sinabihan ito na bilhan na lang siya ng karagdagang fries para sa kapatid na sinang-ayunan naman ng huli.

Ani pa ni JJ, sa di inaasahang oras ay mayroon din na babae mula sa kaniyang likuran na nagsabing bibilhan pa niya ang bata ng isa pa.

Binatilyo, Nilibre Ng Jollibee Ang Batang Namamalimos At Hindi Pa Kumain 3

Maya-maya pa ay lumabas na ang bata at iniabot na lamang ni JJ ang kaniyang biniling pagkain dito. Ngunit ayon sa netizen ay humiling muli ang bata na siya ay bilhan ng tsinelas. Kaya nagpasya si JJ na lubos-lubusin na ang pagtulong, kaya naman kaniya itong inabutan ng pera at nakipag selfie pa ito.

Matapos iyon ay umalis na si JJ at iniwan na ang bata dahil hinihintay pa nito ang ibinigay at ipinangako sa kaniya ng babaeng kanilang kasunod sa counter.

Ayon pa kay JJ,

“Lord, ingatan n’yo po ang mga nasa lansangan na namamalimos. Bata man o matanda. ‘Di ako mayaman pero ‘pag meron ako, handa ako magbigay kahit konti.”

SOURCE: Facebook.com/JJ Villareal

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: