Inanunsyo ni Makati Mayor Abby Binay noong Lunes, Abril 27, na makakatanggap ang lahat ng mga ga-graduate na mga elementarya at senior high ng cash incentives. Ito ay dahil umano sa napagkaitan ang mg bata ng pagkakataon umakyat ng entablado para sa kanilang graduation.
Cash incentives
Sa isang interview sa Super Radyo dzBB, sinabi ni Mayor Abby na bawat bata ay tatanggap ng P1,000 cash incentives. Nasa P12,000 estudyante ang inaasahang makatatanggap ng biyaya mula sa lungsod ng Makati.

“Dahil hindi nagkaroon ng graduation rites lahat ho ng aking 12,000 na Grade 6 at Grade 12, ngayong araw na ho na ito, mamimigay ho ang lungsod ng Makati ng P1,000 sa lahat sa lahat ng maggagraduate ng Grade 6 at Grade 12,” ani Mayor Abby.
Lahat mabibigyan
Ito ay kaiba sa normal na ginagawa ng lokal na pamahalaan na mga honor student lamang ang binibigyan ng insentibo. Ngayon, wala ng pipiliin base sa grado. Lahat ay makakatatanggap ano man ang nakuhang pinal na marka.
“Taon-taon nagbibigay ho kami ng parangal sa aming mga honors…”

Ayon kay Mayor Abby, makukuha ng mga estudyante ang kanilang insentibo sa pamamagitan ng elektroniko. Ang mga detalye ng patungkol sa pagkuha ay makikita sa kanilang Makati Portal. Asahan sa mga darating na araw ay ilalagay sa kanilang opisyal na Facebook page ang proseso ng pag enroll sa Makati Portal.
“Pupunta ho sila sa portal ng Makati, mageenrol ho sila dahil ang pagtanggap ho nila ng P1,000 ay electronic.”
Honor students
Samantala, hindi naman dapat mag isip ang mga honor students ng Makati. Sila din ay makakatanggap ng insentibo na mas malaki kumpara sa mga walang honor. Bawat highest honor ay tatanggap ng P5,000. Ang mga high honor naman ay makatatanggap ng P3,000 at para sa mga with honor ay P2,000.

Malaking tulong at pakunswelo ito sa mga magtatapos. Maliit na biyaya kapalit ng pagkawala ng kanilang tsansa na umakyat sa entablado at tumanggap ng diploma.
Source: GMA News
Be First to Comment