Manila, Philippines – Bumili ng P14 milyong halaga ng locally developed Covid-19 ang office of the vice President (OVP) bulang tugon ng gobyerno sa hakbang para sa testing ng nasabing sakit.
Pag paplano
Matatandaan na nakipag pulong ang Bise Presidente Leni Robredo kay Dr. Raul Destura noong personal niyang binisita ang tanggapan ng HealthTek Inc manufacturer sa Manila.
Si Dr Destura ang namumuno sa team ng mga eksperto mula sa University of the Philippines – National Institutes of Health at Philippine Genome Center na nag develop ng nasabing testing kits.

Proyekto ni Leni
Ayon sa opisina ng Bise Presente, nag laan ang nasabing tanggapan ng P14 milyong halaga ng testing kits o katumbas ng 10,000 test para sa mga pasyente. Kasama na dito ay di umano ay ang detection at extraction kits para sa tamang pag kuha ng specimen.

Ito ay kanyang proyektong isinusulong sa paglalayong makatulong na mapabilis at mapalawak ang pagsasagawa ng testing para sa COVID-19.
Matatandaan na nito lamang linggo ay namigay at namahagi na ang OVP ng testing kits na nagkakahalaga ng P5.3 milyon na mga extraction kits mula sa Research Institute For Tropical Medicine (RITM).
Benipisyaryong makakatanggap
Ang mga biniling testing kits ng OVP ay ipapadala sa mga hospital na merong sertipikasyon ng laboratoryo na mag sagawa ng nasabing COVID-19 testing.

Eto ay ang mga sumusunod:
- San Lazaro Hospital
- Lung Center of the Philippines
- V. Luna Hospital
- Bicol Regional Diagnostic and Reference Laboratory

Dagdag pa ng Bise Presidente, ang mga nasabing hospital ang kanilang napiling bigyan dahil sila ang di pa umano nabigyan ng UP test kits ng Department of Science and Technology (DOST) na sumuporta sa pag-develop ng nasabing produkto.
Adbokasiya sa pag tulong
Lahat ng mga ito ay kanyang bahagi sa hakbang upang patuloy na pag susulong ni VP Leni na paigtingin ng pamahalaan ang pagsasagawa ng testing. Ito’y para umano masiguro na maihihiwalay ang mga nakakuha ng virus.

Ang nasabing hakbang ay makakatulong sa pag sagawa ng swabbing para sa mga asymptomatic patients, o iyong mga hindi nagpapakita ng sintomas.
Umaasa naman ang Bise Presidente na sa pamamagitan ng tulong na kanyang ginawa ay mas mapatibay ang pagkilos ng bansa laban sa COVID-19.

Sa kasalukuyan, ang bansa ay may naitalang 7,192 compirmadong kaso ng COVID-19. Samantala, mayroong 477 ng mga namamatay habang 762 naman ang mga Naka rekober na sa nasabing sakit.
Source:CNN Philippines
Be First to Comment