Press "Enter" to skip to content

Binugbog Na Quarantine Violator Sa Cavite, Ikinwento Ang Kalupitang Sinapit Sa Kamay Ng Mga Pulis

Nakapagsasalita na sa wakas ang quarantine violator na binugbog umano ng mga pulis sa Cavite. Ikinwento niya ang kalupitang dinanas mula sa kamay ng mga pulisya na dapat sana ay poprotekta sa mga mamamayan.

Bugbog sarado

Kinilala ang biktima na si Ronald Campo, 30 taong gulang, at isang factory worker. Ayon sa paunang report, binugbog umano siya ng ilang Cavite police matapos lumabag sa oras ng curfew. Tadtad ng mga pasa at sugat ang buong katawan ng biktima. Basag din ang bungo ng biktima na tila ba tumama ito sa matigas na bagay.

Binugbog Na Quarantine Violator Sa Cavite, Ikinwento Ang Kalupitang Sinapit Sa Kamay Ng Mga Pulis 2

Sa isang interview ng CNN sa kapatid ng biktima na si Rolando, lamog na lamog umano ang katawan ng kanyang kapatid. Kahit ganoon, nagkaroon pa rin ng pagkakataon na magkwento ang biktima at ito ay na nakunan ng video ni Rolando.

Lumabag sa curfew

Ayon sa kwento ng biktima, inaresto siya kasama ng ilan pang katao sa Tropical Village, Barangay San Francisco dahil sa paglabag nila umano sa oras ng curfew. Dinala umano sila sa plaza sa General Trias at doon pinag ehersisyo bilang parusa sa kanilang paglabag.

Nakatulog umano ang biktima at ginising lamang siya ng isang pulis ng bandang hating gabi. Ayon sa pulis, nais umano kausapin si Ronald ng isang mataas na opisyal. Dinala umano siya sa madilim na parte ng plaza ay doon sinimulang bugbugin.

Kwento ng biktima, “Inaano po nila ako ng batuta, tapos sinusuntok nila ako sa mukha. Nagtatakbo na lang ako. Nasasaktan na po nila ako,”

Dagdag pa niya, “Tapos tumakbo na lang po ako, sobrang takot ko kasi baka patayin na lang nila ako e. Kaya tumakbo na lang po ako. Humingi po ako ng tulong sa iba.”

Sa ospital na nagkamalay

Sa kanyang pagtakbo, nakarating umano siya sa isang bahay ng matanda na hindi na niya matandaan kung saan. Doon umano siya naabutan ng mga pulis at patuloy na binugbog hanggang mawalan ng malay. Nagising na lamang siya na nasa loob ng siya ng ospital at ginagamot na.

Ayon naman sa kwento ni Rolando, isa sa kapitbahay nila na kasamang nahuli ang nagsabi sa kanila na hanapin sa istasyon ng pulis ang biktima ngunit di nila ito natagpuan doon. Sinabihan umano sila sa istasyon na nasa ospital ang biktima kaya dagli nilang pinuntahan ang kanyang kapatid.

Sir patayin mo na lang ako

Kwento ni Rolado, “Ayan na ang naabutan ko sa kuya ko. Basag daw ang bungo sa bandang pisngi. ‘Di kami kilala,”

Dagdag pa niya, “Nung nakita niya ako sabi niya sakin ng paulit-ulit, ‘Sir patayin mo na lang ako.’ Bakit ganon na lang kadali sa kuya kong sabihin yun. Kasi kung ganon, sobrang pahirap ginawa sa kanya,”

Kasalukuyang naka confine ngayon ng biktima sa General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital sa Trece Martires City, Cavite.

Source: CNN News Philippines

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: