Press "Enter" to skip to content

Binuksan Ng LTO Ang 24 Online Sites Para Sa Pinadaling Pag-aapply Ng Driver’s License

Land Transportation Office, nagbukas ng mga online application site para sa mga aplikante na mag-aapply at mag-rerenew ng kanilang license. Ito ay isinagawa upang mapadali ang mga nag aapply sa proseso ng pagkuha ng mga requirements sa pagmamaneho.

Online portal

Maynila, Pilipinas – magiging madali na ang pag aapply para sa Driver’s License at iba pang transaksyon na may kaugnayan sa pag mamaneho, sa kadahilanang binuksan na ang online system ng Land Transportation Management System o LTMS, ayon sa Land Transportation Office nitong martes.

Binuksan Ng LTO Ang 24 Online Sites Para Sa Pinadaling Pag-aapply Ng Driver's License 2
Photo Credit: Wheels.ph

Sa inilunsad na  bagong LTMS, ang mga aplikante ay maaaring magsubmit ng application online para sa mga bago at pag-rerenew ng lisensya. Maaari rin silang mag-book ng appointment at magbayad para sa mga transaksyon online sa pamamagitan ng pag-register ng isang account sa portal.lto.gov.ph.

Binuksan Ng LTO Ang 24 Online Sites Para Sa Pinadaling Pag-aapply Ng Driver's License 3
Photo Credit: Announcement.ph

Kasama rin sa mga online na transaksyon ang application para sa student permit. Gayunpaman, ito ay sususpindihin muna mula Hulyo 1 hanggang Agosto 3 upang payagan ang mga bagong training requirements.

Listahan ng mga online site

Narito ang mga opisina ng LTO na nag-aalok ng mga serbisyong online sa Metro Manila.

  • Central Office-License Section
  • Quezon City Licensing Center
  • Eastwood Driver’s License Renewal Office
  • Ever Gotesco Driver’s License Renewal Office
  • Muntinlupa District Office

Luzon:

  • Laoag District Office
  • Bayombong District Office
  • Lipa District Office
  • Naga District Office
  • Calapan District Office
  • Baguio Licensing Center
  • San Fernando Licensing Center
  • Angeles District Office
  • Biñan District Office

Visayas:

  • Tagbilaran District Office
  • Dumaguete District Office
  • Roxas District Office
  • Ormoc District Office

Mindanao:

  • Pagadian District Office
  • Malaybalay District Office
  • Butuan District Office
  • Tagum District Office
  • Davao District Office
  • General Santos District Office

Tulong iwas sa COVID-19

“We are fast-tracking necessary preparations so that more LTO offices will be equipped with the LTMS. Rest assured that while we shift to the new normal, we will surely adapt to digitalization,” ani ni LTO chief Edgar Galvante. 

Binuksan Ng LTO Ang 24 Online Sites Para Sa Pinadaling Pag-aapply Ng Driver's License 4
Photo Credit: philkotse.com

Unti-unting inilunsad ng LTO ang LTMS alinsunod sa mga pagsisikap na maging digitalized ang proseso ng transaksyon, kasama sa pag papatupad nito ay ang panukala na makaiwas ang mga aplikante sa sakit na corona virus. Sinabi rin ng LTO na magsisimula sila na subukan ang bagong system sa pagpaparehistro ng mga sasakyan sa susunod na linggo.

Source: Inquirer.net

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: