Press "Enter" to skip to content

Bio-molecular Lab sa Cebu, Binuksan Na

Sinabi ng Philippine Red Cross (PRC) na mag-umpisa ngayong Huwebes, Hulyo 16 ang bio-molecular laboratory nito sa Mandaue City na naaayon sa mga pagsisikap nitong sugpuin ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Cebu, ang bagong epicenter ng pandemiya sa bansa.

Pahayag ni Gordon

Sinabi ng chairman at CEO ng PRC na si Senator Richard Gordon na ang pasilidad ay nilagyan ng four reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) machines na may kakayahang magpatakbo ng kabuuang 4,000 tests araw-araw.

Bio-molecular Lab sa Cebu, Binuksan Na 2
Photo Source: Wikipedia

Sinabi ni Gordon sa isang pahayag,

“I have long been saying na testing is the key. To contain the virus, kailangan natin ang testing. We are dealing with an unseen enemy and it is only through testing that we can unmask it.”

(Matagal ko nang sinabi na ang pagsubok ay ang susi. Upang masugpo ang virus, kailangan natin angtesting. Nakikipag-laban tayo sa isang hindi nakikitang kaaway at sa pamamagitan lamang ng testing na maaari nating malutas ito.)

Dagdag pa,”Pag marami tayong mate-test, malalaman natin kung sino ang mga carrier at maihihiwalay na natin sila sa mga pamilya nila at sa komunidad para hindi na sila makahawa pa at magagamot ang sakit nila.”

Magandang epekto

Bio-molecular Lab sa Cebu, Binuksan Na 3
Photo Source: Manila Bulletin

Ang pagbubukas ng bagong pasilidad sa PRC-Mandaue office sa may Jagobiao Drive ay ang sanhi upang ang PRC’s testing capacity ay umabit sa 36,000 tests araw-araw.

Sinabi pa ni Gordon,“Pag na-control na natin ang contagion at pwede nang magbukas muli ang Cebu, madali ring makakabalik ang mga tao sa kanilang mga trabaho kung magpapa-test sila.”

Dagdag pa niya,“Pati ang mga bisita ay hindi na rin matatakot na pumunta sa Cebu dahil pwede niyo nang i-advertise na ang mga empleyado ng mga resort, restaurant o iba pang mga business establishments dito ay COVID-free na dahil na-test na sila. Kaya dapat magpa-test kayo at madali din kayong muling makabangon.”

Panawagan ni Gordon

Nanawagan din si Gordon sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa Cebu na hikayatin ang kanilang mga nasasakupan na masuri.

Bio-molecular Lab sa Cebu, Binuksan Na 4
Photo Source: Daily Tribune

Idinagdag niya na ang mga opisyal ng barangay ay dapat ding agad na mag-ulat ng mga COVID-19 cases sa loob ng kanilang nasasakupan upang ang mga pasyente ay maaaring ihiwalay at gumaling kaagad. Ang contact tracing ay dapat maisagawa rin agad.

“Dapat puntahan niyo yung barangay na maraming kaso at mag-test dun para mapuksa ang virus doon. Pag may positive case sa isang bahay, ihiwalay na agad at i-test din ang mga kasama niya sa bahay at habang naka-quarantine ang carrier, alagaan natin ‘yung maiiwan niyang pamilya, lalo na kung siya ang breadwinner,” sabi ni Gordon.

“Bigyan natin sila ng pang-gastos, sapat na pagkain habang naka-quarantine ang kapamilya nila at mga gamot. Drain the swamp, ika nga. Gawin natin ‘yun sa mga barangay na may mga COVID cases para talagang mapuksa ang COVID. We have to ensure victory over COVID,” dagdag niya pa.

Ang PRC molecular laboratories ay napapatakbo na sa Boni-EDSA sa Mandaluyong, Port Area sa Maynila, Clark at Subic sa Pampanga, at Batangas.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: