Press "Enter" to skip to content

Bistado! Sikretong Health Facility Na Ekslusibo Para Sa Mga Chinese Nadiskubre!

Parañaque City- Kung saan nadiskubre ng lokal na pamahalaan ng lungsod ang isang establisyemento na may mga ilegal na health facility na ekslusibo para sa mga Chinese national.

Ginawang Chinese hospital

Kasama sa nadiskubre ang pharmacy at isa pang bahay kung saan may iba’t-ibang gamot na hindi rehistrado gaya na lamang ng para sa sakit na COVID-19 at gamot para sa sexually transmitted disease (STD).

April 27, nang puntahan ng ilang opisyales ng lokal na pamahalaan ng lungsod ang nasabing establisyimento na ginawang hospital ng mga Chinese national, ito ay upang inspeksyunin.

Chinese Health Facility Nadiskubre

Ayon sa ilang residente di umano ito ay isa lamang commercial establishment, na biglang naging isang Chinese hospital na kanilang ikinagulat.

Pasilidad

Nakita sa loob ng nasabing gusali ang ilang mga pasilidad na gamit sa hospital gaya na lamang ng upuan, treatment beds at IV stands. Bukod dito nadiskubre din ng lokal ng pamahalaan ang isang parmasya na malapit din umano sa nasabing hospital. Kung saan mayroong mga gamot na nasa Chinese character at walang English translation. 

Chinese Health Facility Nadiskubre

Ang mga nasabing gamot na kasama sa nadiskubre ay para sa sexually transmitted disease (STD), human immunodeficiency virus, dengue at para sa COVID-19. Bukod pa dito ay wala din umanong rehistro ng Food and Drugs Administration o FDA ang mga ito.

Human trafficking

Hinala ni City health officer Dr. Olga Virtusio na ang Chinese hospital na ito ay posible umanong pinupuntahan ng mga nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO’s) at dito ang kanilang pagamutan.

Chinese Health Facility Nadiskubre

Ayon sa City Administrator na si Ding Soriano, ang nasabing establisyimento ay isa umanong dating Travel Agency. Dagdag naman ni Brgy Baclaran Chairman Jun Sayde ang nasabing pasilidad ay posibleng ginagamit din ng namamahala na mga nagtatatrabaho sa isang human trafficking. Ito ay dahil sa nakitang mga gamot para sa STD na hindi din umano rehistrado.

Problema

Ang nasabing hospital ay may tatlong linggo ng nagkakaroon ng operasyon nang walang mga legal na papeles at rehistro. Problema pa ang wala umanong disaggregation ng kanilang mga basura at ito ay nakatambak lang sa nasabing gusali. 

Chinese Health Facility Nadiskubre

Agad naman itong ipinasara ng lokal na pamahalaan ng nasabing lungsod. Wala namang inaresto ngunit pag-uusapan daw ng PNP, FDA at ng lokal na pamahalaan ng lungsod kung ano-ano ang mga reklamong isasampa dito.

Source: GMA

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: