Press "Enter" to skip to content

Bisto! 22,000 Duplicate Ng SAP Beneficiaries Nadiskubre Ng DSWD

Ang Department of Social Welfare and Development ay nabisto ang 22,000 libong bilang ng mga duplicate ng Social Amelioration Program beneficiaries. Nadiskubre ang mga ito matapos ang pinaiging effort na ginawa ng kagawaran sa pagsiyasat ng mga record sa nakalipas na pamamahagi.

Social Amelioration Program

Ang ayudang ito ay iniutos ng Pangulo na ipamahagi para sa pantawid gutom sa gitna ng krisis na kinaharap ng bansa dahil sa pandemyang corona virus (COVID19).

Social Amelioration Program- DSWD
Photo Credit: Gma

Nagsimula ang unang tranche ng pamamahagi nito noong buwan ng Abril, kung saan ang Department of Social Welfare (DSWD) ang naatasan na mangisawa sa pamamahagi nito. Ang mga pangalan ng mga dapat bigyan ay manggagaling sa bawat chairman ng bawat barangay ng isang lungsod.

Ang pagsiyasat

Ayon sa kagawaran ay sinabi nito na dahil sa pinaigi diumano nilang pagva-validate o pagproseso sa mga duplication ay napag-alaman nito na ang mga form ay mayroon diumanong dobleng record.

Ang Pagsiyasat- DSWD
Photo Credit: Gma

Aniya,

“Ito po ‘yung sinasabi natin na pinaiigi ng DSWD ang pag-validate o pagproseso sa duplication, at ito nga po, napag-alaman natin,”

Ang pahayag na ito ay sinabi ni DSWD Undersecretary Rene Paje sa kanyang panayam sa Laging Handa public briefing.

Ang record

Sa ayuda pa ding ito ay mayroong form na ibinigay upang fill-upan nang bawat isang miyembro ng bawat pamilya bilang record. Pagkatapos nito ay sasailalim sa isang interview at saka pa lamang nito malalaman kung ang isang miyembro ay kwalipikado upang makakuha nito.

Ang Record- DSWD
Photo Credit: Gma

Matatandaang nagkaroon ng iba’t-ibang reklamo dahil sa anumalya sa naganap na pamamahagi ng nasabing ayuda, partikular na ang hindi sapat na halaga na dapat makuha at ang ilan pa ay ang mga maling record sa mga naturang form.

Ang pag-report

Samantala, sinabi pa ni Paje ang pagkaka-diskubreng ito sa dobleng mga record ay inireport na nito sa Local Government Units (LGUs) upang ito ay mabigyan ng agarang aksyon na kung ito ba ay ipababalik o ire-record ang pangalan ng mga benepisyaryong nakatanggap ng dobleng ayuda.

Inireport- DSWD
Photo Credit: Gma

Aniya,

“Kung ito naman kasi ay mga regular beneficiaries natin tulad ng 4Ps [Pantawid Pamilyang Pilipino Program], mababawi po natin sapagkat hindi naman na natin isusunod ‘yung kanilang kabayaran sa mga buwan na darating. Kung kaya’t kung anong halaga ‘yung nadoble sa kanila, mababawi po natin,”

Gayundin, ang hindi mga kasapi sa 4P’s ay siyang tututukan naman diumano ng LGU sapagkat iyon naman ang nasa pangangasiwa nila.

Para sa iba pang mga balita at impormasyon bisitahin ang PinasBalita.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: