Press "Enter" to skip to content

Biyenan Na Hilaw Na Super Tsismosa, Nag Walk Out Kay Idol Raffy

Isang babae ang nagsumbong kay idol Raffy upang aksyunan ang pagiging super tsismosa ng kanyang hilaw ng biyenan. Kung ano ano ang pinapakalat nito laban sa kanya na sobrang napaka mapanira na. Bukod dito, pakielamera pa ito sa buhay nilang mag-asawa.

Tsismosang hilaw na biyenan

Ayon kay Mary Grace, hindi na niya matiis ang nanay ng kanyang kinakasama. Pinapakalat umano ng kanyang biyenan na may relasyon si Mary Grace at ang kapatid niya na lalaki na edad 16 anyos.

Biyenan Na Hilaw Na Super Tsismosa, Nag Walk Out Kay Idol Raffy 2

Sa tsismis ni biyenan, nahuli umano niya si Mary Grace ang kapatid nito sa isang kama at nakabalot ng kumot. Tsismis pa umano nito, hindi siya pinapakain ni Mary Grace. Kasalukuyang nasa Saudi ang kinakasama ni Mary Grace na si Erwin Justo kung kaya sila lang ang magkasama sa bahay.

Iwas pusoy

Sa tuwing kinokompronta ni Mary Grace ito, magaling umano itong tumanggi. Kahit pagharapin ito at pinag tsismisan niya ay hindi matinag ito. Sinabihan umano niya ito na umuwi ng Leyte ngunit tigas ang pagtanggi nito. Sa halip, si Mary Grace pa ang pinapalayas nito sa kanilang tinutuluyan.

Biyenan Na Hilaw Na Super Tsismosa, Nag Walk Out Kay Idol Raffy 3

Nang subukang kausapin ni idol Raffy ang biyenan ni Mary Grace ay tumanggi itong humarap. Makikita sa video na galit ito at kung ano ano ang sinasabi. Hindi ito makausap ng maayos dahil umiiwas ito sa camera. Nagpunta ito sa kapitbahay at doon ito muling nakipag tsismisan.

Pwersahan na pagpapaalis

Sa tigas ng ulo ng biyenan, kahit umano sa kanilang kapitan ay hindi ito nakikinig. Pakielamera ito kahit sa away nilang mag asawa. Gustong gusto na ni Mary Grace paalisin sa bahay ang kanyang biyenan at patirahin nalang sa isang anak pa nito.

Sa huli, kinausap ni idol Raffy ang kapitan nina Mary Grace na si Chairman Abdun Rivera. Pinakiusapan niya ito na kumbinsihin si biyenan na umuwi nalang ng probinsya o di kaya ay lumipat ng bahay. Kung magmamatigas pa rin ito ay inatasan ni idol Raffy na pagsarhan ng pinto ito ay huwag papasukin ng bahay.

Source: Raffy Tulfo In Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: