Isang babae ang literal na nanganak sa himpapawid ng isang malusog na sanggol na lalake. Ito ay habang lulan ng eroplano, sa taas ng 30,000 feet.
Ang panganganak
Ayon sa Philippine Airlines (PAL), naganap ang panganganak sa flight PR 659 na papuntang Manila mula Dubai nitong June 6, 2020. Sa pamumuno ng Flight Purser na si Leilani Daisy Castellano at teamwork nina FA Joan Rivera, FA Maria Josefina Lobo, FA Maria Cordis Carlyle Yuchongco, FA Marie Rose Coronel.

Kasama rin sina FA Nancy Montinola, FS Dino Karganilla, FS Jose Madarang, Jr., FS Sina Ronniel James Mendoza at FS Warren Santiago ay humantong sa isang matagumpay na kapanganakan.
Formula sa tagumpay
Ang kapanganakan ng naturang pasahero ay nagkaroon din ng buong suporta nina Capt. Mark Palomares, FO Herky Vitug at SO Fidel Guzman Ala. Nakakuha ng karagdagang gabay mula sa isang medikal na doktor sa pamamagitan ng isang SAT-telepono at ibinahagi ito kay Purser Daisy at sa team.

Ayon sa PAL, “BuongPusongAlaga, focus and teamwork” ay ang nanalong formula ng cabin crews sa matagumpay na paghahatid sa naturang sanggol.
Mix emotioins
Nag-share ng mga litrato sa Facebook ang crew member na si Dino Antigua Karganilla ng ina at mga PAL cabin crew na nakasuot ng personal protective equipment. Ito ay upang ibahagi ang kanilang kasiyahan hindi inaasahang kaganapan.

“It was a special Repatriation flight, our first to Dubai, that my fellow crew and I volunteered to take and fly our OFW kababayans back home, Flight PR659 Dubai to Manila. But who would have thought we delivered a baby into this world at 38,000 ft above ground! Halong takot, kaba, tuwa, at iyak ang naramdaman namin lahat. God is good God is Great!!” -Karganilla.
Si baby Ali
Sinabi ni Karganilla na pinangalan ang sanggol na “Ali” na mula sa Arabic na nangangahulugang “high,” “elevated” o “champion.”

A job well done indeed! Welcome to earth, Baby Ali!
Bisitahin ang Pinasbalita.org para sa iba pang mga nagbabagang balita.
Source: GMA News
Be First to Comment