Press "Enter" to skip to content

Bodyguard Ni Sarah G. Nagpapabayad Ng 1.5M Dahil Sa Sulsol Ni Mommy Divine

Last updated on March 18, 2020

Dating bodyguard ni Sarah Geronimo na si Jerry Tamara humihingi ng 1.5 million bilang bayad danyos sa pagsuntok umano sa kanya ng aktor na si Matteo Guidicelli. Ayon sa guard sinabihan siya ng ina ng popstar princess na si Mommy Divine Geronimo na huwag na huwag makikipag ayos sa kalabang kampo.

Reklamo

Matatandaang nakaabot ang reklamo ng dating guard ni Sarah sa tanggapan ni idol Raffy upang umano ay humingi ng tulong para makuha ang hustisyang nararapat sa kanya. Kaugnay ito ng naganap na komosyon sa secret wedding nina Sarah at Matteo. Sa mga unang inilabas na video, hindi nagkausap ang magkabilang kampo bagkus ang boss nilang si boss Vic Del Rosario ang nakipagusap sa telepono. 

Itinanggi ni boss Vic ang reklamong panununtok dahil ayon umano kay Sarah at Matteo ay walang nangyaring pananakit laban sa guard. Sinegundahan din ito sa isang malapit na kaibigan na isa rin sa mga bisita sa naganap na kasalan. Ayon sa kanyang pahayag, si Mommy Divine ang nagwala at nanakit kina Matteo. Tumilapon pa umano sila ni Sarah dahil sa lakas ng pagkakatulak sa kanila ni Mommy D. Wala umanong panununtok na nangyari o tutukan ng baril tulad ng reklamo ni Tamara.

Bodyguard Ni Sarah G. Nagpapabayad Ng 1.5M Dahil Sa Sulsol Ni Mommy Divine 2

Personal na nakiusap ang guard na samahan siya mismo ni idol Raffy sa pagpunta sa opisina ni boss Vic dahil natatakot umano siya doon at kay idol lang siya may tiwala. Napilitan si idol na samahan siya dahil na rin sa pangungulit nito. Pagdating sa opisina ay si boss Vic lamang ang humarap dahil nasa taping pa ang mag asawa.

Sulsol at bayad

Sa simula, matibay ang paninindigan ni Tamara laban kay Matteo dahil sinabihan umano siya ni Mommy D na huwag makikipag ayos kina Matteo. Dapat daw dumaan sa tamang proseso at dapat managot si Matteo. Ngunit sa personal na pag uusap ni boss Vic at Jerry ay humihingi na umano si Jerry ng 1.5 million pesos bilang danyos umano sa ginawa ni Matteo sa kanya. Hindi pumayag si boss Vic at sinabing 100,000 lamang ang ibibigay nila na siyang tinanggihan ng guard. 

Bodyguard Ni Sarah G. Nagpapabayad Ng 1.5M Dahil Sa Sulsol Ni Mommy Divine 3

Doon na umalma si Idol Raffy at pinaalalahanan ito na hindi pwedeng gamitin ang programa niya para sa aregluhan ng pera. Samakatuwid, ang nais ni idol ay kung makikipag ayos siya sa kampo ni Matteo ay yung kusa at hindi dahil nagpabayad siya. Sa puntong iyon ay sinabi niyang ayos na sa kanya na walang perang kapalit basta humarap si Matteo at Sarah sa kanya at personal na humingi ng tawad sa programa ni idol sa TV5. Pinaliwanag naman ni idol na imposible iyong mangyaring dahil hindi papayagan ng ABS CBN na tumawid sa kanilang programa ang mag asawa.

Dahil dito, pag iisipan daw muna niyang mabuti ang lahat. Dalawang araw matapos ang usapan ay sinubukan siyang tawagan na ng team ni idol ngunit hindi na ito sumasagot. Nagpadala lamang ito ng mensahe na nagkaayos na sila ng kampo ni Matteo at nagpapasalamat sa tulong sa kanya ng programa. Tinawagan din ni idol si boss Vic at ayon dito, pumayag ng makipag areglo ni Tamara kapalit ng 200,000. 

Case closed

Matapos maklaro at masiguro ng programa na hindi na magrereklamo si Tamara ay idineklara na itong case closed. Tapos na ang isa sa mga balakid sa pagsasama nina at Sarah. Tanging pagkakasundo na lamang nila ni Mommy D ang hinihintay ng lahat.

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: