Press "Enter" to skip to content

Bodyguard Ni Sarah G Nagsumbong Kay Idol Raffy

Bodyguard ni Sarah Geronimo na is Jerry Tamara nagsumbong kay idol Raffy dahil umano sa pagsuntok ni Matteo Guidicelli. Pinanindigan niyang hindi umano siya nag sumbong kundi nag report lang siya sa amo niya.

Sumbong

Ilang araw ng usap-usapan sa social media ang secret wedding na naganap sa pagitan ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo at nobyo nitong si Matteo Guidichelli. Nabuking at sinugod umano ni Mommy Divine sina Sarah dahil sa “umepal” at nagsumbong ng bodyguard ni Sarah kay mommy D.

Matatandaan na nagpa blotter itong si Jerry sa presinto dahil sa di umano ay sinuntok siya ni Matteo dahil sa pagaakalang nagsumbong ito sa amo kaya nabuking ang secret wedding. Bumuhos ang masasamang salita laban sa guard mula sa mga netizen dahil umano sa pagiging epal at tsismoso nito. Kung kaya naman nag desisyon na si Jerry na lumapit kay idol Raffy upang ilabas ang saloobin at ikwento ang tunay na pangyayari.

Bodyguard Ni Sarah G Nagsumbong Kay Idol Raffy 1

Walang alam

Ayon kay Jerry, wala siyang alam na may kasalang magaganapan dahil normal lamang ang kilos ni Sarah. Dumaan pa sila sa isang department store para bumili ng sandals at ang suot nito ay ang suot pa niya sa taping ng The Voice kung saan isa si Sarah sa mga coaches. Pagdating umano nila sa BGC ay sinabihan siya ng singer/actress na mauna ng umuwi. Labag umano ito sa utos ni Mommy Divine kung kaya tinawagan niya ang huli upang ipaalam na pinapauwi na sila ni Sarah. Nag aalala lamang umano siya na baka siya naman ang masisante kung di na ito ipapaalaam.

Bodyguard Ni Sarah G Nagsumbong Kay Idol Raffy 2

Sinabihan umano siya ng ina ni Sarah na huwag umalis at pupuntahan sila nito. Nagtaka rin umano si Jerry kung bakit ipina lock down ang 2nd floor ng building ngunit wala sa hinagap niyang may kasalang magaganap. Ang naroon lamang umano ay ang magkasintahan, pamilya ni Matteo at isang pastor. Halos tapos na raw kumain sila Sarah sa reception ng dumating si Mommy Divine. Doon na umano nagsimula ang tensyon ng mag histerikal na si Mommy D. Muntik na nga raw masaktan si Mommy D dahil nagkakainitan na sila ng ama ni Matteo. Nagbato pa umano ng masasakit na salita si Matteo laban sa ina ng aktres dahil sa galit nito.

Takas

Ilang sandali pa ay dumating si Boss Vic Del Rosario at kinausap ng sarilinan si Mommy D. Pinagbalingan umano siya ng galit ni Matteo at sinuntok sa may bandang leeg. Wala umano siyang magawa dahil mas maraming guard ang pamilya ni Matteo ng mga sandaling iyon. Kinausap na lamang daw siya ng ina ni Matteo upang humingi ng pasensya. Nagawa lamang daw iyon ng anak dahil sa init ng ulo.

Humupa lamang daw ang tensyon ng itinakas na ni Matteo at pamilya niya si Sarah. Wala na umano siyang nagawa dahil mismong ang aktres na ang sumama. Naiwan daw sa lugar si Mommy Divine na umiiyak.

Bodyguard Ni Sarah G Nagsumbong Kay Idol Raffy 3

Paninindigan

Paninindigan ni Jerry hindi totoong tsismoso siya at pakielamero tulad ng bintang ng mga netizen. Ginawa lamang umano niya ang kanyang trabaho bilang isang bodyguard. Pinagdiinan din niyang sinuntok siya ni Matteo kahit itinanggi ito ng aktor. Marami umanong CCTV sa lugar ng pinangyarihan kaya makikita naman doon ang totoong nangyari.

Panoorin dito ang video ng sumbong ni Jerry kay idol Raffy:

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: