Press "Enter" to skip to content

Brgy. Sa North Caloocan Hinayaang Pumila Mga Tao Para Sa Quarantine Pass

Dinagsa ng mga tao sa Barangay 174, North Caloocan City ng mga nag-nanais makakuha ng “quarantine pass”. Social distancing, tila hindi na nasunod.

#SocialDistancing

Kumakalat ngayon sa social media ang mga larawan ng mga taong nakapila sa Barangay 174 sa North Caloocan City. Ang pila na ito ay para sa mga tao na nagnanais makakuha ng quarantine pass na knilang gagamitin sa tuwing lalabas sila ng kanilang mga bahay. 

Brgy. Sa North Caloocan Hinayaang Pumila Mga Tao Para Sa Quarantine Pass 2

Sa post ni Jhenie Pido Laton, sinabi rin niyang nalulungkot siya dahil sa hindi maayos na pagpapatupad ng community quarantine ng kanilang barangay officials. At nang dahil pa rito ay malaki ang tyansa na sila ay magkasakit.

Brgy. Sa North Caloocan Hinayaang Pumila Mga Tao Para Sa Quarantine Pass 3

“Brgy 174 CAMARIN NORTH CALOOCAN

bakit po ganito ang paraan ninyo sa pagkuha ng pass para sa mga tao, nakakalungkot na kayo mga BRGY OFFICIALs ay hindi mapatupad ng maayos ang COMMUNITY QUARINTINE, panu nalang po ang mga taong nakapila dyan na naeexpose sa madaming kapwa tao na hindi mo alam kung may infected ba sa knila o wala… Ang dami ninyo brgy officials wala man lang ba nakaisip na mali ang ginagawa neo,. Paulit ulit na yan sinabi ni tatay digong.. bakit kayo pa mismo ang sumusuway sa Presidente…

Sana nmn gawan ninyo ng tamang aksyon to,.pls mag bahay2x po kayo. Hindi po dapat ganito… Tulungan ninyo po ang mga nanganagailngan sa inyo ngaun”

#communityQuarintine#

#socialdistancing#

Pag walang quarantine pass, bawal lumabas

Dahil sa enhanced community quarantine, ipinapatupad sa lahat ng barangay na bigyan ang bawat residente ng isang quarantine pass na ipapakita sa mga barangay officials kapag sila ay lalabas ng kanilang mga bahay.

Hindi nila pinapayagan na lumabas ng bahay kapag walang quarantine pass at mahigpit din nilang ipinapatupad na isa lamang ang maaring lumabas sa bawat pamilya. 

Ito ay para sa ipinapatupad na social distancing ng gobyerno at ng Department of Health na makakatulong upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Dismayado ang mga tao

Pagkadismaya naman ang ipinarating ng mga netizen dahil rito. Ayon sakanila, mas manuti pa umano na mag-bahay bahay at bawat barangay officials upang mamigay ng quarantine pass. Nang sa gayon ay mas maiwasan ang pagkalat ng virus.

Posted by Jhennie Pido Laton on Thursday, March 19, 2020

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: