Press "Enter" to skip to content

Briones: Face To Face Learning, Wala Ng Makakapigil. Balik Eskwela Sa Agosto, Sinusulong!

Manila, Philippines – Tuloy ang muling pagbubukas ng klase sa Agosto 24, 2020. Ito ang iginiit ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones sa naganap na public address ni Pangulong Rodrigo Duterte, gabi ng Miyerkoles.

Tuloy ang pagbubukas ng klase

Ayon kay Briones, kahit anong uri ng pagtuturo ay gagawin ng DepEd matuloy lang ang pagbubukas ng klase sa nasabing petsa.

Aniya,

“Tapos ‘yung school opening also isa din ‘yung area, hindi kami nagbabago sa aming stand, Mr. President, na maximum August 24 talaga kasi ‘yung sa batas last day of August. Last day of August is on a weekend.”

Briones: Face To Face Learning, Wala Ng Makakapigil. Balik Eskwela Sa Agosto, Sinusulong! 2
Photo Credit: CNN Philippines

Dagdag pa ng kalihim,

“So August 24 magbubukas na ng klase whatever form it is. Pero hanggang ngayon handang-handa na ang mga regions. Sinubukan natin ‘yan sa Navotas very successful ang simulation. Tapos mayroon ding maliit na eskuwelahan kasi tinitingnan din natin ‘yung mga maliliit.”

Pahayag pa ni Briones na sa Siquijor daw, blended din ang approach nila. Ang mga bata ay binibigyan ng reading materials. Samantalang ang munisipyo naman ang nagbigay ng pera sa kanila para mabili nila ‘yung mga materials.

Handa na mga Guro

Sinabi pa ng Kalihim na handa na ang DepEd at mga eskuwelahan na mag-adjust sa mga posibleng mangyari para lang makapagturo.

Ani ni Briones,

“Kanya-kanyang diskarte, kanya-kanyang adjust depende kung anong available na paraan. Pero ang bottomline, patuloy ang pag-aaral ng mga bata.”

Briones: Face To Face Learning, Wala Ng Makakapigil. Balik Eskwela Sa Agosto, Sinusulong! 3
Photo Credit: Rappler

Ipinanukala ni Sec. Briones ang para sa general education o sa basic education.

Giit nito,

“Puwede aniyang mag-online, puwedeng mag-offline, puwedeng radio, puwedeng television at kung wala talaga, if all of the above wala, ay ang tinatawag nating IBM o it’s better manual.”

Dagdag pa niya,

“Kasi magdi-distribute at the school level ng mga learning resources na idi-distribute ng local governments sa mga bahay-bahay, sa mga bahay ng mga bata at saka magre-recruit tayo ng tinatawag na parateachers kasi hindi naman lahat ng teachers — ah parents kayang magturo.”

Face to face learning

Sa kabuuan ayon sa kalihim, ang hinihingi ng marami ngayon ay iyong tinatawag nilang limited na face-to-face.

Wika nito,

“Ngayon kung tingnan natin, Mr. President, sa ibang bansa sa Southeast Asia halos lahat blended ‘yung kanilang strategy pero ‘yung face-to-face nila kaunti lang.”

Briones: Face To Face Learning, Wala Ng Makakapigil. Balik Eskwela Sa Agosto, Sinusulong! 4
Photo Credit: ABS-CBN

Dagdag pa nito,

“Kagaya ng diniscribe ni Sec. Popoy na maliit na grupo lang talaga wino-workout ang curriculum. Ang curriculum namin halimbawa, Mr. President, sa basic education kailangan 15,000 ka-competences, hindi ka maka-graduate kung hindi mo master ‘yan. Pero ngayon nireduce natin to 5,000 lamang.”

Giit pa ni Briones na dapat mayroon din paaralan para sa parents, may school para sa teachers, para makahanda ang mga ito sa kung anumang arrangement ang kalalabasan.

Sambit nito,

“May kuryente o walang kuryente, may libro, walang libro, may transistor, walang transistor, may cellphone, ay mag-a-adjust ang eskuwelahan basta lamang makapagpatuloy ang pag-aaral ng mga bata.”

Source: CNN Philippines

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: