Press "Enter" to skip to content

BTS Muling Nakakuha Ng Guinness World Record Mula Sa Online Concert Na “Bang Bang Con: The Live”

Isa na namang karangalan ang naiuwi ng K-pop boy group BTS sa Guinness World Record kasama ang kanilang pinakabagong online concert na Bang Bang Con: The Live kung saan ito ay na-stream mula sa isang studio sa Seoul noong nakaraang buwan at nagkaroon ng pinakamaraming manonood para sa isang live music concert.

BTS beat the record

“756,000 fans from over 100 countries tuned into the online performance on June 14.”

Ito ang sinabi ng Guinness World Records sa kanilang website kasabay nang kanilang pagpaparangal sa grupo.

BTS Muling Nakakuha Ng Guinness World Record Mula Sa Online Concert Na “Bang Bang Con: The Live” 2
Photo Credit: Guinness World Record

Ayon sa Bit Hit Entertainment, agency ng grupo, ito ang isa sa online music event na may pinakamalaking bayad dahil sa napakaraming sumubaybay mula sa mga taga-suporta nito sa buong mundo.

Sabi pa ng agency, ang bilang ng online viewers ay humigit-kumulang sa pinagsamang manonood ng 15 stadiums.

Iba pang karangalan

Matatandaan na ang BTS ay nakatanggap ng iba’t ibang paragal mula sa Guinness World Records, kabilang na ang pagiging kauna-unahang K-pop artist na nakasungkit ng unang puwesto sa US album charts, pagkakaroon ng pinakamaraming views sa YouTube sa loob lamang ng 24 na oras at maging ang pagiging No. 1 sa iTunes charts sa karamihan ng mga bansa, na nilampasan ang record na itinakda ni Adele noong 2015.

BTS Muling Nakakuha Ng Guinness World Record Mula Sa Online Concert Na “Bang Bang Con: The Live” 3
Photo Credit: Guinness World Record

Bagamat may COVID-19, patuloy parin ang pamamayagpag ng BTS sa online world dahil na rin sa hindi mabilang na taga-suporta ng grupo saan mang panig ng mundo.

BTS para sa ARMY

Noong Abril, ipinagpaliban muna ng BTS ang kabuuan ng kanilang kaabang-abang na Map of the Seoul world tour dahil nga sa kinahaharap na pandemya ng bawat bansa.

BTS Muling Nakakuha Ng Guinness World Record Mula Sa Online Concert Na “Bang Bang Con: The Live” 4
Photo Credit: Guinness World Record

Gayunpaman, ang mga tagahanga ay hindi binigo ng grupo dahil sa naganap na dalawang araw na online streams sa YouTube ng walo sa mga nakaraang concert ng banda, pati na rin ang kanilang meet and greet sessions.

Ang boy band ay naglunsad din ng video series na layong magbigay ng kaalaman para sa mga ARMY, BTS fans, tungkol sa wikang Korean na tinawag na Learn Korean with BTS.

Source: Guinness World Record

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: