Press "Enter" to skip to content

Budol-budol Gang Na Nagbayad Ng Pekeng Dolyar Sa Bulacan, Timbog!

Naaresto nitong Biyernes, Hulyo 17 sa Barangay Tibagan, Bustos, Bulacan ang apat na katao na miyembro ng isang budol-budol gang dahil sa pagbabayad ng pekeng hundred-dollar bills.

Mga suspek

Kabilang sa mga naaresto ay ang dalawang senior citizen at dalawa sa kanilang mga kasamahan ay nasa edad 50 anyos pataas.

Budol-budol Gang Na Nagbayad Ng Pekeng Dolyar Sa Bulacan, Timbog! 2
Photo Credit: Bulacan Police Provincial Office

Ayon sa ulat ni Police Capt. Rolando Guzman, officer-in-charge ng Bustos Municipal Police Station, kinilala ang mga suspek na sila, Albert Rosales Mendoza, 61; Rommel Mata Llarena, 53; Roberto Rosales Gallardo, 61; and Milagros Velasco Zapra, 52.

Ang modus

Ayon sa biktimang si Dana Joy Santos, bumili sa kanya ang mga suspek ng frozen chicken ngunit ang ipinambayad nila ay isang 100-dollar bill dahil sa wala silang dalang pesos.

Ang kabuuan na frozen chicken na nakuha ng mga suspek ay labing apat na kilo at nagkakahalaga na P2,000 kaya sinuklian pa ni Santos ang kanilang dolyar na ibinayad.

Matapos naman nito ay nagpapalit naman ang mga suspek sa kanya sa pesos ang isa pang 100-dollar bill.

Budol-budol Gang Na Nagbayad Ng Pekeng Dolyar Sa Bulacan, Timbog! 3
Photo Credit: Bulacan Police Provincial Office

Kwento ni Santos sa mga pulis, na tila ay ginamitan siya ng hipnotismo ng mga suspek kaya siya ay napasunod ng mga ito.

Ani Santos,

“Nang makaalis na sila, saka lang namin nakita na fake ang binayad nilang dollar, kaya agad naming ini-report sa barangay officials.”

Sa kabuuan, nasa P10,000 ang natangay ng mga suspek kay Santos na tumakas lulan ng isang kotse.

Ang pagsakote sa mga suspek

Ayon kay Guzman, nasa alas tres ng hapon nang may tumawag sa kanilang himpilan. Base sa tumawag, may isang grupo ng budol-budol gang ang tumakas sakay ang isang white silver Toyota Corolla na may plate number WEB-741.

Budol-budol Gang Na Nagbayad Ng Pekeng Dolyar Sa Bulacan, Timbog! 4
Phot Credit: Bulacan Police Provincial Office

Dagdag pa nang nagreklamo na ang sasakyan ay hinahabol ng mga tanod mula sa iba’t-ibang barangay ng Bustos.

Agad na rumisponde ang mga kapulisan at naaresto ang mga suspek.

Budol-budol Gang Na Nagbayad Ng Pekeng Dolyar Sa Bulacan, Timbog! 5
Photo Credit: Bulacan Police Provincial Office

Narekober sa mga suspek ang frozen goods at sila ay dinala sa Bustos police station para harapin ang kasong estafa sa ilalim ng Article 315 ng Revised Penal Code.

Source: Manila Bulletin

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: