Browse By

Budol Finds Horror Edition – Halloween Gifts Para Sa Horror Fans

Bago mag-pasko, may isa pang holiday na sine-celebrate ng ibang tao sa mundo, at ito ay ang Halloween. Para sa iba, ito ay ang okasyon kung saan pwede magtrick-or-treat ang ilang mga bata at magkaroon ng sweets and candies, pagpunta sa mga costume parties, o ang manood ng kanilang paboritong horror films kasama ang kanilang mga jowa, kaibigan, o pamilya.

Tignan natin ang iilang halimbawa ng mga regalo pwede natin ipamigay sa mga horror fans.

Halloween Kills Michael Myers Cosplay Jumpsuit

Photo Credits: Shopee.ph

Nais mo bang takutin ang room mates mo bilang ang iconic movie killer na si Michael Myers sa movie series na Halloween? Ang produktong ito ay perfect para sa iyo.

Ang napakagandang coveralls na ito ay katulad ng sinuot ni Michael Myers sa pelikulang Halloween Kills itong 2021. Lahat ng detalye rito ay nasa damit na ito at high-quality.

Magaan at madaling suotin, kahit sino ay maaaring gumamit ng costume nito, babae man o lalaki, at pwede rin sa mas matanda.

Ang tunay na kulay nito ay maaaring magiba sa ipinakita sa litrato dahil lamang sa linaw ng monitor o screen, at ang liwanag habang kinukuhanan ng litrato.

Price Range: ₱649 - ₱1,181

Funko Pop Movies: Friday the 13th – Jason Vorhees

Photo Credits: Shopee.ph

May kilala ka ba na super fan ng horror franchise na Friday the 13th? Mahilig rin ba sila mangolekta ng mga Funko Pops? Maaaring magugustuhan nila ang produktong ito.

Si Jason Vorhees ang isa sa mga iconic horror movie monsters ng Hollywood at ginawang nakakatakot ang kanyang infamous na hockey mask.

Ang mga Funko Pop ay isang collection ng mga stylized miniatures at kinokolekta ng mga tao. Ang mga ito ay ginagawa ng maramihan, at maaaring magkaroon ng konting depekto sa paggawa o pintura.

Price Range: ₱585

Freddy Krueger Glove from A Nightmare on Elm Street

Photo Credits: Shopee.ph

Nais mo bang takutin ang mga trick-or-treaters gamit ang iyong Freddy Krueger costume kaso kulang ka pa ng props niyang bladed fingernails? Kung ganun, ito ang produkto para sayo. Suotin ang Freddy Krueger prop glove at talagang hindi makakatulog ang mga halloween guests ninyo.

Ang prop na ito ay maaaring i-adjust ang mga straps na nasa palad at daliri. Nababaluktot at nakakagalaw rin ang mga daliri. Ito ay Adult-size lamang at ang “blades” ay plastic na walang matulis na gilid.

Price Range: ₱199

Neca Ultimate Pinhead Hellraiser Action Figure

Photo Credits: Shopee.ph

Nahawakan mo ba ang Lament Configuration? Maaaring ito ang lumabas dahil sa iyong morbid curiosity. Kung mahilig ang ireregalo mo sa Hellraiser franchise, magugustuhan nila ang action figure ng iconic lider ng mga Cenobites, ang Hellpriest o ang mas kinikilalang Pinhead.

Garantisadong brand new ang item na ito at authentic. Gumagamit sila ng 1.75mm na kapal na corrugated box at bubblewrap para sa lahat ng item at may paper fillings pangdagdag proteksyon.

Price Range: ₱1,650

Jigsaw Puppet Billy Mask

Photo Credits: Shopee.ph

“I want to play a game.” Isang nakakatakot na phrase ang maririnig ng mga trick-or-treaters at party goers kapag narinig nila ito tuwing Halloween. Si Jigsaw Billy ay ang manikang ginawa ng serial killer na si John Kramer o Jigsaw sa movie franchise na Saw, at nagbibigay ng instructions sa victims niya upang maligtas ang kanilang mga sarili sa mga death traps.

Ang mask na ito ay unisex, at kahit sinong adult ang maaaring gumamit nito. Gawa ito sa latex kaya ito ay flexible at elastic.

Price Range: ₱480

Squid Game Red Light Green Light Doll Dress

Photo Credits: Shopee.ph

Handa ka na bang magpatigil ng mga galaw etong Halloween? Ipasuot sa chikiting ninyo ang Squid Game Doll dress na ito, at marami ang hindi makakatiis at huminto sa kanilang gawain.

May dalawang available na sukat ang damit na ito. Isang maliit na sukat para sa mga 1-4 years old, at isang medium na sukat pang 4-7 years old. Para sa maliit, ang jumper ay 19 x 22 inch na waistline at may pangtaas na 9 x 10 inch. Para naman sa medium, ang jumper length ay 22.3 x 23 inch na waistline at may pangtaas na 9.6 x 11.8 inch.

Price Range: ₱170 - ₱179

Chucky Funko Pocket Pop Keychain

Photo Credits: Shopee.ph

Mahilig ka ba sa mga manika, lalo na sa mga killer dolls? Bilhin ninyo ang Chucky Funko Pocket Pop Keychain at dalhin ninyo ang iconic Good Guy Doll na sinapian ng isang serial killer gamit ang voodoo sa pelikulang Child’s Play at ang bagong Netflix series na Chucky.

Gawa sa PVC ang ito kaya napakatibay ng ito at hindi madaling masira, at rust-proof.

Cute ang kanyang design at mga detalye at magagamit bilang keychain o purse charm. Maliit at magaan ang ito kaya madaling dalhin kahit saan.

Price Range: ₱166

Pennywise LED Latex Mask

Photo Credits: Shopee.ph

Gulatin ninyo ang mga trick-or-treaters ngayong Halloween bilang ang nakakatakot at nakakakilabot na si Pennywise, ang horror clown sa pelikulang It ni Stephen King. Huwag nga lang magtago sa imburnal dahil maliit lang ang sewers sa pinas at baka hindi magkasya.

May dalawang version ng mask na ito. Ang una ay yung hindi umiilaw. Yung pangalawa ay pwede umilaw, ngunit walang battery dahil hindi ito papasa sa customs, kaya kailangan bumili ng extra battery para dito.

Maaaring isuot ito ng kahit sinong tao dahil one-size-fits-all siya. Gawa siya sa 100% environmentally-friendly latex kaya pwede siya itapon kung sakaling itatapon ang ito. Bago gamitin ang mask na ito, punasin gamit ang alcohol o tubig.

Price Range: ₱600 - ₱700

Xenomorph Face Hugger Leather Mask

Photo Credits: Shopee.ph

Nais mo bang isorpresa ang mga kasama mo? Isuot ang Xenomorph Face Hugger Mask sa sunod na Halloween Costume Party ninyo at isa lang ang sasabihin sayo ni Keanu Reeves:

“You’re breathtaking.”

– Keanu Reeves, E3 2019

Gawa ang mask na ito ng eco-friendly materials. Hindi nangangamoy at makinis ang kanyang ibabaw. Matingkad ang kanyang kulay at maaaring isuot ng mga bata o matanda. Magmumukhang realistic ang mask dahil sa kanyang texture.

Komportable rin isuot ang mask na ito at makakahinga ka ng maluwag sa mouth and nose hole.

Price Range: ₱569

The Nun Valak Cosplay Costume

Photo Credits: Shopee.ph

Kung ireregalo mo sa super fan ng The Nun ang costume na ito, siguraduhin lang muna na may mask na sila ni Valak, ang demonyo sa sa pelikula para kumpleto na ang set nila. Kumpleto ang costume na ito mula sa polyester nun costume, cross necklace, sinturon, at headdress.

Price Range: ₱1,900 - ₱5,549

Sana makatulong ang listahan na ito para sa inyong Halloween ideas para sa mga horror fans. Magenjoy lang tayo sa mahabang bakasyon na ito, at magenjoy lang sa pagshopping.

Leave a Reply

Your email address will not be published.