Press "Enter" to skip to content

Buking Na! Sarah Balabagan, Naging Kabit Ni Arnold Clavio At Nabuntis Pa!

Trending ngayon sa social media ang pag amin ng dating kontrobersyal na OFW na si Sarah Balabagan. Ito ay matapos nitong aminin sa kanyang Facebook live ang naging relasyon nila ng news anchor na si Arnold Clavio.

Sarah Balabagan story

Nagsimula ito ng ilabas ng isang kaibigan ni Clavio ang katotohanan sa tunay na naging relasyon nito kay Balabagan. Ayon dito, noong kasagsagan na kasikatan ni Balabagan dahil sa muntik nitong pagkakabitay sa ibang bansa, ay nabuntis ito ni Clavio.

Buking Na! Sarah Balabagan, Naging Kabit Ni Arnold Clavio At Nabuntis Pa! 2

Sa Facebook live, inamin ito ni Balabagan at ikinwento ang mga nangyari ng panahon na iyon. Ayon kay Balabagan, nakilala niya si Clavio dahil isa ito sa nag cover ng kanyang kwento noong 1990s. Noong panahon na iyon ay may asawa na si Clavio habang 17 anyos pa lamang si Balabagan.

Buking Na! Sarah Balabagan, Naging Kabit Ni Arnold Clavio At Nabuntis Pa! 3

Bantay salakay

Naging mabait si Clavio sa kanya at ipinaranas sa kanya ang mga bagay na bago pa lamang kay Balabagan, tulad ng pagluwas sa Maynila at panonood ng sine. Dahil dito nahulog ang loob ng noon ay batang bata pa na si Balabagan. Nagkaroon ng relasyon ang dalawa sa kabila ng pagkakaroon na ng asawa ni Clavio.

Buking Na! Sarah Balabagan, Naging Kabit Ni Arnold Clavio At Nabuntis Pa! 4

Inamin ni Balabagan na si Clavio ang tunay na ama ng kanyang panganay na anak. Mahigpit nilang itinago ito upang makaiwas sa eskandalo at hindi masira ang kanilang pangalan sa publiko. Turo ni Clavio kay Balabagan, ay huwag na huwag aamin sa kanilang relasyon kahit anong mangyari. Dahil sa bata pa nga noon si Balabagan ay nakumbinse siya nito.

Si Clavio ang ama

Katulong ang mga mabubuting tao, naitago ng dalawa ang naging relasyon ng mga ito. Kahit kumalat ang usap-usapan noon na may relasyon silang dalawa ay agad din itong namatay dahil na rin sa pagtatakip ng mga taong nakapaligid sa kanila. Dahil dito, ang mga taong tumulong pa kay Balabagan ang na-issue na tunay na ama ng kanyang panganay.

Buking Na! Sarah Balabagan, Naging Kabit Ni Arnold Clavio At Nabuntis Pa! 5

Ayon kay Balabagan, matagal na siyang naka move on. Kaya lamang siyang nagsalita ngayon ay upang tapusin na ang issue. Gusto rin niyang linisin ang pangalan ng mga taong nasangkot sa issue dahil sa pagtatakip sa kanila. Dagdag pa niya matagal na rin siyang humingi ng paumanhin sa asawa ni Clavio at napatawad naman siya nito.

Dahil sa pagsabog ng issue, nahaharap ngayon si Clavio sa pambabatikos mula sa netizen. Anila, mapagpanggap at mapanamantala si Clavio. Nagkunwari umano ito na tutulong kay Balabagan subalit ito rin ang nagsamantala sa mura nitong isipan. Ipokrito din ito dahil sa pambabatikos nito sa adminstrasyon gayong siya rin ay may tinatagong baho na ngayon ay umalingasaw na nga.

My response to Arnold Clavio Issue. And If you have questions , you can join me at my radio program #SariSarah every Tuesday 7pm pacific time or Wednesday 10am pinas time @ #PHLVRADIO. Thank you all for your prayers, love & support. God bless you all! With Jun Santiago Sereno

Posted by Sarah Balabagan Sereno on Thursday, August 20, 2020

Source: Sarah Balabagan Sereno

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: