Press "Enter" to skip to content

Bulkang Mayon, Nakakitaan Ng Pamumula at Pamamaga Ng Crater

Mahigpit na minomonitor ngayon ng Philippine Institute of Volganology anf Seismology ang Mayon Volcano. Ayon kay PHIVOLCS OIC Undersecretary Renato Solidum, nakitaan ng senyales ng unrest at pamumula ng crater ang Bulkang Mayon.

Pamamaga ng crater

Sa interview ng GMA Unang Balita kay Solidum, sinabi nito na mayroong pamamaga at pamumula sa crater ng Bulkan.

Bulkang Mayon, Nakakitaan Ng Pamumula at Pamamaga Ng Crater 2

“Patuloy ang kanyang pamamaga at pamumula ng crater,”

Ganunpaman, nakitang hindi pa gaanong matingkad ang pamumyla ngunit nagpapakita ito ng senyales na may mainit na pinanggagalingan ito, tulad ng magma o gas.

“Hindi pa masyadong matingkad pero senyales na may mainit na source o magma o gas sa tuktok,”

Monitoring

Sa ngayon ay mahigpit na minomonitor ng PHIVOLCS ang aktibidad ng bulkan, lalo ng pagtaas ng rockfall events na nangyayari rito. Ayon kay Solidum, ang pagtaas ng rockfall events ay nangangahulugang umuusad pataas ang magma hanggang sa makarating ito sa pinatuktok nito.

“Binabantayan kung dadami ang bilang ng rockfall events. Ibig sabihin noon, ang magma umuusad pataas at inuusog ang pinakamataas nito,”

Alert level 2

Sa ngayon, nananatiling nasa Alert level 2 ang Mayon Volcano. Pagpapaalala ni Solidum,

“Bawal pumasok sa six-kilometer permanent danger zone,”

Taal

Sa kabilang banda, walang gaanong aktibidad ang Bulkang Taal at nananatili ito sa alert level 1. Nakitaan lamang ito ng diumano pagbaba ng abo sa parteng Laurel at Agoncillo, Batangas.

“Wala tayong ibang kakaibang nakikita. May pagbaba lang ng abo sa mga baybayin ng Agoncillo at Laurel (sa Batangas),”

Isa rin sa mga tinututukan ng PHIVOLCS ay ang Bulkanh Kanlaon na syang makikita sa Negros. Ito ay bunsod ng natalang ilang paglindol simula noong Linggo. Sa kasalukuyan, nakasailalim ang Kanlaon sa Alert Level 1.

Pagsubok

Bago pa man bayuhin ng pagsubok ngayong taon ang bansa dulot ng pandemya, nauna na ang pagputok ng Bulkang Taal sa Batangas na syang sumubok sa katatagan ng mga nakatira doon. Ang pagputok nito ay nagdulot ng masamang hangin na higit na nakakaapekto sa kalusugan ng mga residente doon, pati na ng mga hayop.

Source: GMA News Online

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: