Press "Enter" to skip to content

Buntis Na Misis, Bugbog-Sarado Kay Mister Dahil Sa Pagkain

Lubos ang galit ng netizen na si Khimay Danao dahil sa pambubugbog sa kanyang kapatid ng mister nito.

Binugbog

Hangad ni Danao na matulungan ng Raffy Tulfo In Action at mabigyan ng hustisya ang kanyang kapatid na binugbog ng mister nito. Nangyari ang insidente Linggo ng gabi, Nobyembre 22. Aniya pa, buntis ang ate nito nang bugbugin ng mister nito.

Buntis Na Misis, Bugbog-Sarado Kay Mister Dahil Sa Pagkain 2

“SANA PO MATULUNGAN NIYO PO KAMI MAKAABOT KAY SIR RAFFY TO, KAGABE LANG PO ITO NANGYARI SUNDAY NOVEMBER 22, 2020 BINUGBOG SYA NG NAPAKAHAYOP NA ASAWA NIYA BUNTIS DIN SIYA NGAYON NAPAKA KAPAL NG MUKHA”

Ayaw magreklamo

Ayaw naman umano na magreklamo ni misis dahil may mga anak ang mga ito. Gayunpaman, hangad ng pamilya no Danao na matulungan sila na mapakulong ang bayaw nito.

Buntis Na Misis, Bugbog-Sarado Kay Mister Dahil Sa Pagkain 3

“AYAW PO MAGREKLAMO NG KAPATID NAMIN DAHIL MAY MGA ANAK NA PO SILA SANA PO MATULUNGAN NIYO PO KAMI IPAKULONG TONG MUKHANG ADIK NA ASAWA NIYA 😭😭😈😈😈😈😈😈”

Rason ng pananakit

Dahilan ng pambubugbog ni mister sa kapatid ni Danao, aniya ay wala daw umanong pagkain na dala ang lalaki na syang dahilan upang magbunganga ang asawa. Nagbunganga lamang si misis dahil hindi pa nakakakain ang kanilang mga anak.

Buntis Na Misis, Bugbog-Sarado Kay Mister Dahil Sa Pagkain 4

“NAGKWENTO PO SAMIN KAPATID NAMIN KUNG BAKIT GANTO NANGYARI ANG SABE NIYA DAHIL WALA DAW PAGKAIN YUNG UMUWE ANG LALAKI KAYA NAGBUNGANGA ANG ATE KO DAHIL MAY MGA BATA HINDI PA KUMAKAIN, SANA MATULUNGAN SARAP PO TALAGA IPAKULONG YUNG HAYOP NIYANG ASAWA 😭😭😈😈😈😈😈😈😈”

Kalakip ng post ay ang larawan ng ate ni Danao na maga ang mukha at may black eye pa.

Ipakulong

Komento ng netizens, bagaman ayaw magreklamo ni misis, dapat ay ipablotter ang asawa nito upang mabigyan ng hustisya ang pambubugbog nito. Liban pa riyan, dapat ay hiwalayan na nito ang asawa. Tuloy tuloy naman ang pagkomento ng netizens ng hashtag Raffy Tulfo In Action upang mapansin at matulungan na mabigyan ng hustisya ang nangyari rito.

Source: Khimay Danao

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: