Press "Enter" to skip to content

Buntis Na Nga Ba? Matteo Guidicelli Sinagot Na Ang Buntis Isyu Nang Asawang Si Sarah G.

Sinagot ng Filipino-Italian actor na si Matteo Guidicelli ang katanungan tungkol sa asawang si Sarah Geronimo na kung buntis na nga ba ito. Sa isang online media conference kung saan ay sinabi nito na wala pa silang plano sa pagkakaroon ng baby.

Ang panayam

May eksaktong tatlong buwan na simula nang ikasal sina Matteo at Sarah Geronimo at sa naging panayam nito sa nasabing media conference ng noong ika-20 ng Mayo sa Ranger G The Making of a Philippine Scout Ranger kung saan sinabi nito na hindi pa nila plano ang magka-baby at gusto pa nilang i-enjoy ang pagsasama nila bilang bagong kasal.

Ang Panayam- Buntis

Mayroong isang documentaryong ang naturang programa na ipapalaba sa iWant na isang online content media platform ng ABS-CBN. Ito ay tungkol sa naging paglalakbay ni Matteo simula na magpa-enlist ito bilang isang reservist ng Philippine Army hanggang maitalaga siyang 2nd Lieutant ng Philippine Army.

Ang litrato ng baby

Habang isinasagawa ang online conference nito ay hindi mapigilang maintriga ang ilan dahil sa maya’t-maya na pag-flash ng isang litrato ng isang baby. Kaya hindi din napigilan tanungin ito kung ang baby sa picture ay ang anak na nila ng asawa nito.

Aniya,

“No, not yet. Not yet. Ako ‘yan, ako ‘yan. Ako ‘yan nung baby ako!” sabay tawa ng aktor.

Ang plano

Kasabay nito ay naitanong din sa aktor kung may plano na ba itong at ang kanyang asawa sa pagkakaroon ng anak at sinabing wala pa, ineenjoy pa nila ang oras nilang dalawa sa pagsasama sa mga taong ito. Naging magkasintahan sina Sarah at Matteo ng anim na taon bago nangyari ang kanilang lihim na kasal noong ika-20 ng Pebrero taong 2020.

Nagpahabol pa din ito ng salita tungkol sa planong pagkakaroon ng anak at sinabing “Hopefully in the right time, in the right time.”

Source: PEP.PH

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: